Matapos mag-best actress, Jennylyn may 2 bagong endorsement agad | Bandera

Matapos mag-best actress, Jennylyn may 2 bagong endorsement agad

Reggee Bonoan |December 29,2014
facebook
share this

Matapos mag-best actress, Jennylyn may 2 bagong endorsement agad

Reggee Bonoan - December 29, 2014 - 03:00 AM

jennylyn mercado
Nang manalo si Jennylyn Mercado bilang best actress sa 40th Metro Manila Film Festival awards para sa “English Only Please” ay ang manager niyang si tita Becky Aguila ang labis na nagbubunyi dahil pagkalipas ng 10 taon sa showbiz ay ngayon lang nagka-award ang alaga niya.

Post nga ni tita Becky sa Facebook account niya, “congratulations JEN! Finally nasungkit mo na din ang mailap na Best Actress Award after 10 years in this business, you have proven your worthy and versatility!

We are all so proud of you! Love you Beh! thank you English Only Please! THANK YOU LORD!”  Isipin mo nga naman, ilang taon lang si Jennylyn ng maging manager niya si tita Becky kaya anak na rin ang turing sa kanya.

Ayon naman kay Jen ng makatsikahan siya pagkatapos ng awards night, “Hindi (expected), I swear hindi ko in-expect na bibigyan ako ng ganitong klaseng award.

“First time namin gumawa ng comedy. Nakakagulat talaga. Ako, wala akong ini-expect na kahit ano. Basta ang sa akin lang, ang wish ko lang, basta ‘yung mga tao pagkatapos panoorin ‘yung pelikula namin, masaya, nakangiti, na hindi nasayang ‘yung pera nila,” anang aktres.

Maging ang leading man niyang si Derek Ramsay ay hindi rin inasahan ang award kaya hindi rin dumalo sa nasabing gabi ng parangal, “Hindi namin napag-usapan kasi.

Tingnan mo hindi nga siya nakapunta. So kami pareho hindi nag-e-expect. Nandito ako to support my English Only family.”
Sabi ng aktres kung kailan siya nag-comedy ay saka siya nakasungkit ng award.

Sa mga drama project niya kasing “Rosario” at “Blue Moon” na parehong entry din noon sa MMFF ay hindi siya nanalo. Kaya ang hirit ni Jennylyn, “Marami pa sanang rom-com. I enjoyed it talaga.

Napakaagaan, masaya. Importante para sa amin na lumabas ‘yung mga manonood na masaya, na hindi nasayang yung binayad nila. Looking forward ako sa mga ganung projects.”

At ang nakakatuwa, dahil sa pagkakapanalong ito ng aktres ay on the spot, may dalawang offer kaagad sa kanya para maging product endorser.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending