KC sa ideal man: Gusto ko Kristiyano at yung handa talagang pakasalan ako! | Bandera

KC sa ideal man: Gusto ko Kristiyano at yung handa talagang pakasalan ako!

Ervin Santiago |December 28,2014
facebook
share this

KC sa ideal man: Gusto ko Kristiyano at yung handa talagang pakasalan ako!

Ervin Santiago - December 28, 2014 - 03:00 AM

paulo avelino
Naghahanap si KC Concepcion ng isang lalaking hindi lang mabait at responsable, gusto rin daw niya ‘yung taong handa siyang panindigan at pakasalan. Si Paulo Avelino na nga kaya ito?

“Sa totoo lang, ang hinahanap ko talaga is someone na kind, Kristiyano talaga. Kung Muslim ako, e di Muslim din ang hahanapin ko.

Sana somebody talaga na may intention na hindi lang i-girlfriend ako, pero, may intention na pakasalan ako. Kasi, nandoon na ‘ko, e. Hindi lang dahil uso.

“Pero siguro, bilang babae, you don’t wanna waste your time boyfriend-boyfriend lang, dyowa-dyowa lang. Gusto ko, mas ready siya kesa sa akin.

“Not Paulo, in general na hinahanap ko. At saka, someone who’s kind kasi, hindi nga maiiwasan na mag-away kayo. Pero, kung paano kayo mag-away, ‘yun ang importante. Kung paano nyo i-solve,” sey ni KC.

Compatible raw sila ng bestfriend niyang si Paulo. Pareho sila ng hilig kahit sa mga simpleng hilig nila sa kape, pagbabasa ng animé comics, “Feeling ko, mas nagiging myself ako with him.

Pero, ‘yun nga, more than dyowain ‘yung hinahanap ko.” Anyway, next Monday na magsisimula ang Christmas mini-series nina KC at Paulo – ang ikatlo at huling handog ng Give Love On Christmas na Exchange Gift.

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang dito dahil sa trailer pa lang ng programa ay nakakakilig na. Ayon nga sa mga nakakausap namin, sana raw noon pa pinagsama ng ABS-CBN ang dalawa dahil malakas din pala ang chemistry nila on screen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending