Pacman napiling judge sa Miss Universe 2015 | Bandera

Pacman napiling judge sa Miss Universe 2015

Ambet Nabus |December 26,2014
facebook
share this

Pacman napiling judge sa Miss Universe 2015

Ambet Nabus - December 26, 2014 - 03:00 AM

JINKEE  AT  MANNY PACQUIAO

JINKEE AT MANNY PACQUIAO

Nakakatuwa naman si Manny Pacquiao dahil kumpirmado na palang uupo ito as one of the judges sa 2015 Miss Universe na gaganapin sa USA ngayong January.

Ibang klase talaga ang kasikatan ng ating Pambansang Kamao, pang-international na talaga ang name niya. Naku, tiyak na luluwa ang mga mata ni Pacman kapag rumampa na sa harapan niya ang mga kandidata sa Miss Universe. Tingnan natin kung paano niya ito iha-handle ngayong todo-iwas na siya sa pagtingin sa magagandang babae.

Naku, ano kaya ang magiging emote ni Jinkee Pacquiao rito? Tiyak na hindi iyan papayag na hindi kasama sa event na ito dahil baka nga naman muling matukso ang kanyang bilyinaryong mister. Ha-hahaha!

Anyway, sa daan-daang mga kandidata from all over the world na rarampa sa harap ni Pacman come coronation  night, na posible rin niyang ma-interview, eh, huwag naman sana niyang kalilimutan ang ating pambatong si MJ Lastimosa.

Anyway, nagpapatunay lang ito kung gaano na kasikat si Pacman sa buong mundo. Although hindi ito ang unang beses na mayroong umupong Pinoy sa Miss Universe contest (we remember noon si Kuh Ledesma na inokray-okray pa nga ng beauty contest supporters dahil hindi man lang binigyan ng bonggang score ang ating pambato), tiyak na mas magiging exciting ang labanan dahil sa pagiging judge ni Manny.

Naku, this early ay talaga namang looking forward na tayo sa pagtatanong ni Pacman pagdating sa question and answer portion. Ano kaya ang ibabato niyang tanong sa kandidatang makakapili sa name niya?

Anyway, nakapag-taping na naman si Pacman ng kanyang lingguhang programang MP Science sa GMA 7 kaya hindi n’yo rin masyadong mami-miss ang mister ni Jinkee Pacquiao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending