Sharon malungkot ang Pasko kahit kapiling ang asawa't mga anak | Bandera

Sharon malungkot ang Pasko kahit kapiling ang asawa’t mga anak

Cristy Fermin |December 26,2014
facebook
share this

Sharon malungkot ang Pasko kahit kapiling ang asawa’t mga anak

Cristy Fermin - December 26, 2014 - 03:00 AM

SHARON AT MOMMY ELAINE CUNETA

SHARON AT MOMMY ELAINE CUNETA

Unang Paskong wala ang kanyang ina. Matagal na panahon pa ang kailangang palipasin ni Sharon Cuneta bago siya makasulong sa pagkawala ni Mommy Elaine.

At hindi totoo ang salitang paglimot kapag magulang na ang nakataya sa emosyon. Maaaring pansamantalang makalimot ang naulila dahil nandiyan pa ang iba niyang mga mahal sa buhay ng nagpapasaya sa kanya pero ang paglimot ay hinding-hindi mangyayari.

Kadalasan nga, habang lumilipas ang mga taon ay mas lumalalim pa ang sugat, mas marami tayong naaalala at pinanghihinayangang pagkakataon na gustuhin man nating ibalik ay wala nang paraan para mangyari ‘yun.

Naiimadyin namin ang lungkot na kakambal ni Sharon sa pagdiriwang ng Pasko kasama ang kanyang asawa, mga anak at iba pang mga kadugo. Nandu’n ang saya dahil napapaligiran siya ng mga taong nagmamahal sa kanya, pero balot din siya ng lungkot, dahil wala na ang kanyang mommy na gusto niyang mapasaya sa Kapaskuhan.

Si Sharon pa naman, masyadong emosyonal, kung ang kuwento nga ng buhay ng ibang tao ay sapat na para magpaluha sa kanya ay paano pa ang istoryang siya mismo ang nakapaloob?

Ang damdamin isang araw ay bababaw pero ang sugat ay mananatiling malalim at nagnanaknak. Isa lang ang konsolasyong kailangan niyang tanggapin para kahit paano’y lumuwag ang kanyang pakiramdam—tapos na ang pagsasakripisyo ni Mommy Elaine, wala na itong sakit na nararamdaman, magkasama na sila ngayon sa kabilang buhay ni Mayor Pablo Cuneta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending