Litrato ni Michelle at ng dyowang cager sa loob ng CR kalat na | Bandera

Litrato ni Michelle at ng dyowang cager sa loob ng CR kalat na

Ervin Santiago |December 24,2014
facebook
share this

Litrato ni Michelle at ng dyowang cager sa loob ng CR kalat na

Ervin Santiago - December 24, 2014 - 03:00 AM

michelle
TAGUMPAYang aktres na si Michelle Madrigal at ang dyowa niyang basketball player na agawin ang atensiyon ng mga netizen sa social media matapos kumalat ang kanilang litrato na pinaniniwalang kuha sa loob ng banyo.

Ang nakakaloka rito, marami ang nakakita nito na naka-post sa ilang “lewd website” o yung mga “for adults only” na internet sites na parang pinalalabas na mga “porno stars” ang dalawa.

Pero para sa amin hindi naman ito nakakaiskandalo dahil pareho pa naman silang nakadamit. Ha-hahaha!  Makikita sa picture si Michelle na nakaupo at nakasuot ng bathrobe habang nakatayo naman sa kanyang likuran ang kanyang cager-boyfriend na si Chris Ross na nakasuot ng pangtulog pero nakabukas ang kanyang pang-itaas na damit kaya kitang-kita ang katawan nito na puno ng tattoo.

Kuha ang litrato sa reflection nila sa salamin, ayon sa ilang nag-comment na netizen, kitang-kita na kinunan ang “eksena” sa loob ng CR.

Sa pagkakaalam namin, ipinost ni Michelle ang nasabing litrato sa kanyang Instagram account nitong Lunes na may caption na: “Think he’s cute enough to be my #MCM #thespa #sorryladies #absfordaysorabsforlife #gwapomokoya.”

Pero siyempre, maraming malilisyoso ang nag-iisip ng kung anu-anong kahalayan habang pinagmamasdan nila ang litrato nina Michelle at Chris.

Tanong nga ng ilang nakakita nito, tapos na raw kayang magchurvahan ang dalawa nang magpakuha sila o pasimula pa lang ng laban!?

Ha-hahaha! Kayo talaga, ang dudumi ng isip n’yo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending