P-Noy pumayag mainterbyu ni Vice sa Malacañang | Bandera

P-Noy pumayag mainterbyu ni Vice sa Malacañang

Ervin Santiago |December 24,2014
facebook
share this

P-Noy pumayag mainterbyu ni Vice sa Malacañang

Ervin Santiago - December 24, 2014 - 03:03 AM

vice ganda
Kinumpirma ni Vice Ganda na nakatakdang mag-guest si Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang late-night comedy talk show sa ABS-CBN na Gandang Gabi Vice.

Ayon sa TV host-comedian pumayag na ang pangulo ng bansa na makipagkulitan at makipagbarubalan sa kanya. Kung walang naging problema, kahapon naganap ang interview ni Vice kay P-Noy sa loob mismo ng Malacañang

Nang ma-interview si Vice sa Aquino & Abunda Tonight nu’ng Lunes sinabi nitong, “Sobra na akong excited! Hanggang ngayon wala pa akong naiisip na tanong…Presidente, makakausap ko, eh ang kinakausap lang ng presidente, mga matitino lang, eh!”

Sey ni Vice, ang nasabing one-on-one interview niya with P-Noy ay mapapanood sa January 4 episode ng Gandang Gabi Vice. Siguradong isa si Kris Aquino na kilalang malapit na kaibigan ni Vice, ang nangumbinse sa kanyang kuya Noy na mag-guest sa GGV dahil matagal na nga itong request ng madlang pipol.

Still on Vice Ganda, nilinaw ng TV host-comedian ang tungkol sa relasyon diumano  nila ng basketball player na si Kevin Alas na ibinuking nga ng anak ni Kris Aquino na si Bimby sa The Buzz last Sunday.

Paliwanag ni Vice magkaibigan sila ni Kevin Alas at hindi ito ang lalaking tinutukoy niyang bagong dyowa niya na magpapaligaya sa kanya sa darating na Pasko at Bagong Taon.

Kung matatandaan, si Kevin Alas ay na-link din noon kay Cristine Reyes. Sinabi ng nagdadalang-taong aktres na nakilala niya si ang basketball player dahil kay Vice.

Sa huling interview ng press kay Vice sa presscon ng “The Amazing Praybeyt Benjamin” na isa sa mga entry sa darating na MMFF 2014, sinabi nitong, “Iyon nga ‘yung hint.

Pag nakikita niyong lumalabas kami, pag nakikita niyong gumigimik kasama ko, hindi iyon ang (dyowa) ko, kasi ang boyfriend ko hindi ko nilalabas.”

Ilan sa mga basketball players na napabalitang nakarelasyon daw ni Vice Ganda ay sina Terrence Romeo at RR Garcia. Pero pareho itong dinenay ng dalawang binata na naging kontrobersiyal pa nga ilang buwan na ang nakararaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending