KC inaalalayan si Paulo sa pagiging tatay | Bandera

KC inaalalayan si Paulo sa pagiging tatay

Alex Brosas |December 24,2014
facebook
share this

KC inaalalayan si Paulo sa pagiging tatay

Alex Brosas - December 24, 2014 - 03:00 AM

kc concepcion
Kinabog ni KC Concepcion ang lahat ng pa-Christmas party ng lahat ng celebrities at network.

First Christmas party ni KC for the press noong Lunes and she really made everyone smiling. Sandamakmak na gift certificates ang kanyang ipina-raffle. Sa tantiya namin, more than P200,000 ang kanyang ipina-raffle.

Ang akala pa ng press ay iyon lang ang kanyang regalo pero pagkatapos ng party ay may separate gift pa siya sa halos 100 members of the entertainment media.

Before the party, na-interview sina KC and Paulo Avelino para sa Exchange Gift episode ng Give Love On Christmas na handog ng Dreamscape Entertainment.

Mahaba ang interview and they really made sense in their answers lalo na si KC who shared kung ano ang mga bonding moment nila ni Paulo.

“Siguro gawa na rin ng babae ako and gusto kong makitang okay talaga si Pau at ‘yung mga tao sa buhay ko na maging okay ang lahat. Magandang nag-start kami talaga as friends.

“Wala siyang ine-edit kung ano ang pinagdadaanan niya. Ang sa akin, ang maganda bonding naming ay ‘yung mai-share kung anuman ang puwede kong mai-share sa work, kung paano ba dapat sa work, ‘yung professionalism and ‘yung pagtrato sa ibang tao. O kahit sa buhay niya, sa family life.

“Parang ‘yung situation ng son niya ngayon ay ako ‘yung  ganoon dati so kahit paano ay nase-share ko sa kanya kung ano ang magandang gawin sa bata, kung ano ba ‘yung maaalala nu’ng bata or ano ba ‘yung magandang gesture niya para mas maging strong ang bond nila na ng anak nila because na-experience ko ‘yun first hand.

“Kung ano ‘yung naging maganda sa relationship namin ni Papa, sa relationship naming ni Mama, kung bakit hanggang ngayon maganda ‘yung bond naming ni Papa kahit 13 years  kaming hindi nagsama.

So, magandang naging bonding ‘yun sa amin, na-share ko ‘yung personal life ko,” mahabang chika ni KC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending