Hindi masaya ang pasko | Bandera

Hindi masaya ang pasko

Joseph Greenfield |December 24,2014
facebook
share this

Hindi masaya ang pasko

Joseph Greenfield - December 24, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Trixie ng Cabittaogan,  Sta. Catalina, Ilocos Sur
Dear Sir Greenfield,
Nalulungkot po ako kasi kung kailan magpapasko pa naman ay saka pa kami nagka-break ng matagalo kong boyfriend na si Patrick. April 22, 1989 ang birthday nya at September 16, 1990 naman ako. Sa palagay nyo may pag-asa pa kaya kaming magkabati, kahit na mag iisang buwan na kaming hindi nagbabaliti. Kung sakaling hindi na kami magkakabalikan, may iba pa bang lalaking darating sa aking buhay?
Umaasa,
Trixie ng Ilocos Sur
Solusyon/Anaylisis:
Palmistry:
Hindi naman gaanong nabiyak o pumangit ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na hindi umabot sa pasko, at kahit na maging malungkot man ang pasko mo, dahil nagka-break kayo ng boyfriend mo, sigurado namang sa susunod na buwan malaki ang tsansa na magkakabalikan  na kayo.
Cartomancy:
Two of Diamonds, Eight of Hearts, at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing tapat naman sa iyo ang boyfriend mo kahit na nagka-break kayo at mahal ka pa rin niya sa kasalukuyan, kung saan, ayon sa Eight of Hearts, pagkatapos ng pagkatapos ng pagdiriwang ng pasko, grabeng ma-miss ka nya, kaya agad-agad magkakabalikan na kayo.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending