Rommel bumawi sa KathNiel fans: Boto ako kay Kathryn! | Bandera

Rommel bumawi sa KathNiel fans: Boto ako kay Kathryn!

Ervin Santiago |December 23,2014
facebook
share this

Rommel bumawi sa KathNiel fans: Boto ako kay Kathryn!

Ervin Santiago - December 23, 2014 - 03:00 AM

rommel padilla
Upang mapalagay na ang loob ng mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sinabi ni Rommel Padilla na boto siya kay Kath para sa kanyang anak.

“Oo naman. Nu’ng unang beses akong tinanong tungkol diyan, matagal na, Princess And I pa, nag-uumpisa pa lang sila. Magaan nga ang loob ko sa batang ‘yan,” ang pahayag ni Rommel nang makausap ng entertainment press.

Kasabay nito, nakiusap na rin ang aktor na sana’y itigil na ng bashers ang pambabastos sa kanilang pamilya, “Kahit paano naaapektuhan din kami,” anito.

Nag-ugat ang pamba-bash ng netizens kina Daniel at Rommel nang magsalita ang huli tungkol sa personal na buhay ng anak, lalo na sa lovelife nito.

Anang aktor, dapat daw unahin muna ni DJ ang kanyang showbiz career bago ang pakikipag-girlfriend.  “May sinabi ako na kailangan isakripisiyo ang pag-ibig muna. Huwag muna titignan ‘yan.

Yung disiplina, yung hanap-buhay mo, ‘yan muna ang bigyan ng pansin. So, parang na-misinterpret yung aking pagbibigay ng advice. “Na parang ang dating e pinipigilan kong umibig ang anak ko.

Ako, ni minsan,  hindi ko pakikiaalaman ang love life nila, kung kanino sila masaya,” ani Rommel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending