Vice na-shock, bagong BF ibinuking ni Bimby | Bandera

Vice na-shock, bagong BF ibinuking ni Bimby

Ervin Santiago |December 23,2014
facebook
share this

Vice na-shock, bagong BF ibinuking ni Bimby

Ervin Santiago - December 23, 2014 - 03:00 AM

vice ganda
NADULAS ang anak ni Kris Aquino na si Bimby tungkol sa bagong dyowa ni Vice Ganda.

Magkasamang nag-guest sina Bimby at Vice sa The Buzz last Sunday para sa promo ng MMFF 2014 entry nilang “The Amazing Praybeyt Benjamin 2” at dito nga nabuking ang bagong lalaki sa buhay ng TV host-comedian.

Habang nag-uusap kasi sila ni Vice sa harap ng kamera ay biglang nagsalita at nagtanong si Bimby sa kanya, “Is your boyfriend Kevin?” na talaga  ikinagulantang ni Vice.

Sigawan at tawanan sa loob ng studio ng The Buzz lalo na ang tatlong hosts ng programa na sina Kris Aquino, Boy Abunda at Toni Gonzaga. Nakatitig lang si Vice kay Bimby at hindi agad nakasagot.

Bigla namang sumabat si Kris at sinabing “dangerous” talaga ang pag-apir ni Bimby sa show kasama si Vice. “Walang duda anak ka nga ni Kris Aquino. Nakakaloka kayong mag-ina,” natatawang hirit naman ni Vice.

Biro pa ng gay comedian, “Si Bimby masarap maging anak. Si Kris masarap maging ina pero hindi sila masarap maging kaibigan talaga!”

Kuwento naman ni Kris, sinabi sa kanya ni Bimby na madalas niyang marinig ang mga voice messages ni Vice na mula raw kay Kevin. Hinihiram daw kasi lagi ng bagets ang cellphone ni Vice para maglaro.

Paliwanag naman ng Unkobogable Star, “Kasi nangingialam siya lagi ng phone ko. Alam niya ‘yung password. May nag-voice message sa akin. Tapos sinagot sagot niya. Nag-uusap na pala sila sa voice message.”

Kamakailan, inamin ni Vice na hindi magiging malamig ang Pasko niya this year, pero dinenay niya na isang chinito na basketball player ang bago niyang boyfriend.

“Kung meron man silang nakita, kaibigan ko lang ‘yun. Ang dami ko kasi talagang kaibigang basketball players na nakakasama ko lumalabas. Kaya ‘yun ang pinaka-clue.

Kapag nakita niyong kasama ko, hindi ‘yun ‘yon. Kasi kung ‘yun ‘yon, hindi ko (irarampa sa publiko),” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending