Jasmine Curtis lilipat na rin sa ABS-CBN? | Bandera

Jasmine Curtis lilipat na rin sa ABS-CBN?

Reggee Bonoan |December 23,2014
facebook
share this

Jasmine Curtis lilipat na rin sa ABS-CBN?

Reggee Bonoan - December 23, 2014 - 03:00 AM

jasmine curtis
PROMO lang daw para sa pelikulang “Bonifacio: Unang Pangulo” ang pag-apir ni Jasmine Curtis sa ASAP noong Linggo kasama sina Robin Padilla, Rommel Padilla, Isabel Oli, Jericho Rosales at Vina Morales.

Hinulaang lilipat si Jasmine sa ABS-CBN pagkatapos ng kontrata niya sa TV5 na agad namang kinlaro ng manager niyang si Betchay Vidanes, hanggang 2017 pa ang kontrata ng dalaga sa Kapatid network.

Maganda ang trato ng TV5 kay Jasmine at priority siya pagdating sa mga proyekto, pawang magaganda ang ibinibigay sa kanyang programa kaya hindi nila naiisip na lumipat ng ibang network.

Sa katunayan ay hindi nawawalan ng trabaho ang kapatid ni Anne Curtis sa Singko, sa katunayan may bago na naman siyang show sa pagpasok ng 2015 na hindi palang binabanggit kung anu-ano.

Samantala, dedma lang si Jasmine sa mga patutsada ng KathNiel fans dahil nga kasama rin sa “Bonifacio:  Unang Pangulo” si Daniel Padilla.

Ang akala kasi ng supporters nina Daniel at Kathryn Bernardo ay magka-loveteam ang aktor at si Jasmine sa nasabing MMFF entry.

Sa pagkakaalam namin ay walang love angle ang dalawa sa pelikula base na rin sa kuwento sa amin ni Robin ng huli namin siyang makatsikahan.

Samantala, isa ang “Bonifacio:  Unang Pangulo” ang ipapanood namin sa aming anak na si Patchot sa Dec. 25 para habang maaga pa ay makilala na niya si Andres Bonifacio at kung bakit siya itinuring na isang bayani.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending