Kim Chiu lumabas ang kakikayan, nagluka-lukahan sa X-mas Party | Bandera

Kim Chiu lumabas ang kakikayan, nagluka-lukahan sa X-mas Party

Ambet Nabus |December 23,2014
facebook
share this

Kim Chiu lumabas ang kakikayan, nagluka-lukahan sa X-mas Party

Ambet Nabus - December 23, 2014 - 03:00 AM

kim chiu
MASAYANG-MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Faces & Curves family sa tahanan nina Dr. Jay at Dra. Shiela Recasata noong Sabado ng gabi.

Sa ilang taon na rin naming pagdalo at pakikisaya sa okasyon, noon lang namin nasaksihan ang kakikayan ni Kim Chiu, bilang siya nga ang bagong celebrity endorser ng kilalang health and beauty clinic.

Nakasabay namin sina Jason Gainza at misis nito, Dyanin Cruz, Kris Bernal, Markki Stroemm, Lucky Mercado, Ralph Salazar, Charee Pineda at marami pang iba na nauna sa amin at bumati lang kina Doc gaya nina John Lloyd Cruz, Gerald Anderson at Maja Salvador, Maricar Reyes at asawang si Richard Poon.

Going back to Kim’s kakikayan, todo ang hataw nito sa pagkanta at pagsayaw  during the party at confident na confident ang dalaga na “kapamilya” niya lahat ang naroroon.

Kaya’t kahit i-video siya o kunan ng nagluluka-lukahan at animo’y isang concert artist, hataw lang ito nang hataw. Ang kuwela pa, habang hawak nito ang kanyang cellphone at doon binabasa ang lyrics ng kanyang song, eh bigla itong hihinto sa pagpe-perform dahil napuputol daw ang lyrics sa phone niya. Ha-hahahaha!

It was indeed a night na puno ng halakhakan, masasarap na food at bonggang drinks and yes, umapaw ang mga regalo mula sa mag-asawang doktor na matagal na panahon na rin nating kaibigan – mga kapamilyang tunay!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending