Negosyong magpapayaman | Bandera

Negosyong magpapayaman

Joseph Greenfield |December 22,2014
facebook
share this

Negosyong magpapayaman

Joseph Greenfield - December 22, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Mercy ng Sta. Cruz, Aleosan,  North Cotabato
 Dear Sir Greenfield,
1.      Kagagaling lang po sa abroad ng mister ko na isinilang noong March 27, 1985 at October 15, 1986 naman ang birthday ko. Dahil may kaunting ipon na po kami, sa ngayon ay nag-iisip kami ng negosyo na tugma sa aming kapalaran upang kung sakaling hindi na mag-aabroad  ang mister ko ay maging maayos at maging  stable pa rin ang aming kabuhayan. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, nais kong malaman kung ano po ba ang masuwerteng negosyo sa aming mag-asawa – ang pagtitinda po ba ng mineral water o ang pagbubukas ng bakery? Yan pong dalawang negosyo na yan ang aming pinagpipiliin.
At nais ko na rin pong malaman kung may pag-asa ba kaming yumaman at kung kami ay yayaman kailan kaya ito mangyayari?
Umaasa,
Mercy ng North Cotabato
Solusyon/ Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin tama ang iniisip ninyong mag-asawa, -sa pagnenegosyo mas madaling uunlad at aasenso ang inyong kabuhayan.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Ten of Hearts at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa pagtutulungan ninyong mag-asawa, sa mga produktong may kaugnayan sa apoy at pagkain, mas mabilis kayong aasenso at yayaman.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending