Horoscope, December 22, 2014 | Bandera

Horoscope, December 22, 2014

Madam Sophia |December 22,2014
facebook
share this

Horoscope, December 22, 2014

Madam Sophia - December 22, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:   Habang sagana, dapat na mag-ipon. Tama ang ginagawa pag-iinvest sa mga bagay may kaugnayan sa pagkain at butil. Sa pag-ibig, ipaglaban ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Maya-Beeja-Om.” Green at purple ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi dapat ipagmalaki ang mga nagawang kabutihan! Sa pagpapakumbaba, lalo kang pagpapalain ni Lord at magkakaroon ng mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad ang 3, 15, 18, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong  mantra: “Agla-Namah-Om-Mitra.” Red at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Panahon na, upang ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi ang pahalagahan. Tandaang salapi pa rin ang nakapagbigay ng isang mas mainit na suyuan at maligayang pamilya. Mapalad ang 5, 14, 29, 31, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Tarah-Jawalah-Om.” Silver at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, wag masyadong magastos, magtira ka naman para sa Bagong Taon. Sa pag-ibig lalong sasarap ang relasyon kung may matitira pa kayong pera hanggang Valentine. Mapalad ang 3, 15, 18, 23, 27, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sikaping magpasya gamit ang utak upang tumabo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo sa mga bagay na pagkakaperahan, upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 4, 18, 27, 37, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Agla-Om.” Orange at lilac ang buenas.

 Leo – (July 23 – August 22)—Muling babalik ang dating suwerte, basta ang mahalaga kumilos kang lagi. Kung nasa bahay ka naman, panatiliing busy ang sarili. Sa pag-ibig, may magandang bagay kang matatanggap buhat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sahatsha-Aum-Sarva.” Gold  at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Panahon na upang ikaw ay yumaman, lalo mo pang  dagdagan ang pagsisipag. Sa pag-ibig, kahit ano pa ang pumasok sa isip wag namang kakalimutan ang kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 18, 33, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arkaye-Om-Savitre.” Blue at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Hindi nasusukat sa maluhong pamumuhay, ang sinasabi nilang mayaman! Tama ang mungkahi ng kasuyo, wag kang masyadong gumastos ngayong Pasko, tipirin ang hawak na pera.  Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siddhi-Om-Mori.” Purple at magenta ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa sariling diskarte, makakaya mong magpayaman, basta’t lagi ka lang mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig ay ganon din, habang dumadami ang salapi lalo namang magiging romantic ang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 16, 23, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Keh-Balam.” Silver at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mas mabilis na  uunlad ang buhay, kung pananatiliin ang pagiging low profile. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, baka nasasakal na siya. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Yantra-Om.” Orange at maroon ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Itapon na kasi sa basurahan ang pagpapantasya at mga pangarap na hindi naman natutupad. Kailangang mabuhay ka sa realidad upang lumigaya. Mapalad ang 7, 13, 17, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sha-Ri-Padhani-Om.” Black at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasang mag-isip na mga negatibong bagay. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyong Capricorn sa pamamagitan ng lakas ng loob mas mabilis kayong uunlad. Mapalad ang 5, 17, 22, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Khangaya-Dyanama-Om.” Green at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Wag mangako kung hindi kayang tuparin! Mabibingit ka na naman sa mga pagkakautang na hindi na kayang bayaran. Sa pag-ibig at pinansyal, isang malapit na kaibigang Libra ang maaari mong malapitan. Mapalad ang 6, 12, 21, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending