Warning kay Daniel: Bawal pang aminin ang relasyon kay Kathryn | Bandera

Warning kay Daniel: Bawal pang aminin ang relasyon kay Kathryn

Ervin Santiago |December 21,2014
facebook
share this

Warning kay Daniel: Bawal pang aminin ang relasyon kay Kathryn

Ervin Santiago - December 21, 2014 - 03:00 AM

daniel padilla
Feeling namin totoong magdyowa na nga sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pero bawal pa silang umamin sa madlang pipol dahil maraming personal na bagay pa silang dapat ikonsidera, lalo na ang pagiging Iglesia Ni Cristo ng Teen Queen.

Mismong si Daniel na rin ang nagsabi sa isang interview na hindi pa siya pwedeng magsalita kung totoo o hindi ang chika na matagal na siyang sinagot ni Kathryn.

“Ako lang makakasagot niyan. Hindi nga puwede. Hindi pa puwede. Let’s wait,” ang biting chika ng Teen King. Alam naman nating lahat na INC member si Kathryn at bawal na bawal sa kanila ang makipagrelasyon sa hindi nila karelihiyon.

Kaya talagang hindi sila pwedeng umamin ni Daniel dahil siguradong ititiwalag siya. Kailangang magpa-convert muna si Daniel sa INC para pwede na nilang ibandera sa buong mundo ang kanilang “lihim” na relasyon.

Ang tanong, magpalit nga kaya si DJ ng religion para kay Kath?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending