Bong, Jinggoy kinakawawa, naisahan ng mga preso sa Bilibid | Bandera

Bong, Jinggoy kinakawawa, naisahan ng mga preso sa Bilibid

Cristy Fermin |December 21,2014
facebook
share this

Bong, Jinggoy kinakawawa, naisahan ng mga preso sa Bilibid

Cristy Fermin - December 21, 2014 - 03:00 AM

bong revilla
Pumasyal kami uli sa PNP Custodial Center, sasandali pa lang kaming nakaupo sa labas ng kuwarto nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla ay naramdaman na agad namin ang sobrang alinsangan, nanunuot ‘yun sa kalamnan.

Sementado kasi ang maliit na bakurang kinaroroonan ng kanilang piitan, sumisingaw ang init, hindi kayang palamigin ng mga nakamasiterang halaman ang sobrang init sa paligid.

Naalala namin ang mga bonggang-bonggang kuwarto ng mga bilanggo sa Bilibid Prisons, meron pa silang aircon, jacuzzi at iba pang mga granatsang hindi nga natitikman ng mga nasa buhay na malaya, nagkumpara kami.

Napasok na namin ang selda ng magkaibigang aktor-pulitiko, electric fan lang ang panglaban nila sa init ng nakapalibot na semyento, mababa rin ang kisame kaya tagus-tagusan ang init ng bubong sa kanilang kuwarto.

Hindi parehas ang laban. Ang mga bilanggo sa NBP ay nabubuhay nang kumportable, nakapagpapasok ng mga ipinagbabawal, samantalang ang dalawang senador na hindi pa naman napatutunayang nagkasala ay nagdurusa na ngayon pa lang.

Du’n natin maiisip na iba ang tinitingnan lang sa tinititigan. Iba ang pinag-iinitan at iba rin ang niluluwagan. Tunay namang onli in da Pilipins ang ganyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending