Kalat na: Andi nagrerebelde kaya nakipag-live in kay Bret Jackson | Bandera

Kalat na: Andi nagrerebelde kaya nakipag-live in kay Bret Jackson

Reggee Bonoan |December 21,2014
facebook
share this

Kalat na: Andi nagrerebelde kaya nakipag-live in kay Bret Jackson

Reggee Bonoan - December 21, 2014 - 03:00 AM

andi eigenmann
HOW true na kaya pala tuluyan nang hindi sinuyo ni Jake Ejercito ang on and off girlfriend niyang si Andi Eigenmann ay dahil napatunayan nitong naging boyfriend ng aktres ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate na si Bret Jackson.

Matatandaang itinanggi ni Andi na BF niya si Bret, kaibigan lang daw niya ang binata at totoong nanliligaw sa kanya pero binasted niya.

Pero ayon sa ilang non-showbiz friends nina Andi at Bret hindi totoong binasted ng aktres ang binata. Sabi pa ng isang common friend ng dalawa,  “OMG, its not true! They’re lovers.  In fact Bret lives with Andi.”

Nagulat kami sa tsikang ito, ibig bang sabihin nagsama sina Bret at Andi sa iisang bahay? “Yes,” ang diretsong sagot sa amin ng source na walang kinalaman sa showbiz.

At nalaman nga raw ito ni Jake kaya matindi ang naging away  nila ni Andi kaya nag-decide na ang binata na tapusin na ang relasyon nila at tuluyan nang nakipagrelasyon sa isang non-showbiz girl na mula sa isang kilalang pamilya, si KC del Rosario nga.

Dagdag pa ng aming source, “Timing nga, kasi super crush ni KC si Jake and Jake naman also likes KC, ‘yan ang story nila.”
Bukod sa diumano’y pagtira sa isang bahay nina Andi at Bret, may off-the-record na kuwento pa sa amin ang non-showbiz friend nina Andi at Jake na talagang ikagugulat ninyo.

Pero dedma muna kami dahil mas mabuting sa ex-lovers manggaling ito ‘no! Ano kaya ang masasabi ni Andi tungkol dito? Hintayin muna natin ang paliwanag ng dalaga bago tayo magkomento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending