Nanlait sa anak ni Mark dapat parusahan | Bandera

Nanlait sa anak ni Mark dapat parusahan

Ambet Nabus |December 20,2014
facebook
share this

Nanlait sa anak ni Mark dapat parusahan

Ambet Nabus - December 20, 2014 - 03:00 AM

mark herras
Tama lang ang ginawang pagtatanggol ni Mark Herras sa kanyang anak. Nakakabuwisit naman talaga ang mga walang magawa sa social media gaya nitong netizen na si “harthartluvluv143” na tahasan at diretsang tinawag na “chararat” ang anak ng aktor.

Sa isang posted photo kasi ni Mark kung saan masaya niyang ibinahagi ang kanyang “daddy duty” eh, inokray-okray ng feeling magandang si “harthartluvluv143” ang anak ng aktor.

As in talagang nilait-lait nito ang walang kamuwang-muwang na bata. Sinagot naman ito ni Mark at talagang ramdam namin ang kanyang galit sa pagresbak sa walang hiyang basher.

Naku, kung may time lang kami, kakalbuhin namin ang nagpi-feeling beautiful na yun!  Akala mo kung sinong perfect. Hinamon nga siya ng followers ni Mark na magpakita at ilantad ang kanyang itsura para magkaalaman na.

Sana raw ay parusahan ng langit ang taong ito para malaman ang  kademonyohang ginawa niya sa anak ni Mark. Ang mga taong tulad ni “harthartluvluv143” ang dapat na ikinukulong sa Bilibid, di ba kapatid na Ervin!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending