Gerald kay Maja: Siya ang tipo ng babaeng pinakakasalan! | Bandera

Gerald kay Maja: Siya ang tipo ng babaeng pinakakasalan!

Ambet Nabus |December 20,2014
facebook
share this

Gerald kay Maja: Siya ang tipo ng babaeng pinakakasalan!

Ambet Nabus - December 20, 2014 - 03:00 AM

gerald anderson
MAS naging bukas na nga sa publiko sina Maja Salvador at Gerald Anderson na pag- usapan ang kanilang personal na relasyon.

Halos isang taon pa lang ang kanilang love affair na talaga namang dumaan sa matitinding pagsubok pero matagumpay nilang nalampasan ang mga ito at hanggang ngayon nga ay matibay pa rin ang kanilang samahan.

Sa presscon ng pagbibidahan nilang Christmas mini serye sa ABS-CBN na The Gift Of Life, ang ikalawang kuwento sa Give Love On Christmas na mapapanood na ngayong Lunes bago mag-It’s Showtime, naging bukas ang magdyowa sa pagkukuwento tungkol sa kanilang relasyon.

Una na nga riyan ang pagtanggi nila noon na magsama sa isang proyekto, pero mukhang hindi nga nila ito napangatawanan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama na nga sila sa isang proyekto.

Sabi ni Gerald,  maayos na ang lahat kaya bakit hindi nila bigyan ng “regalo” ang kanilang fans. Sabi naman ni Maja, napakaganda ng proyektong ibinigay sa kanila ng Dreamsacape Productions kaya hindi nila matanggihan,” sey pa ng aktres.

Pero ang pinakanakaka-kilig na eksena nu’ng gabing yun ay nang sabihin ni Gerald na ang buong pagkatao ni Maja ang minahal niya at ang tipo ng aktres ang babaeng dapat pinakakasalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending