Pakakasalan na ba ng boyfriend? | Bandera

Pakakasalan na ba ng boyfriend?

Joseph Greenfield |December 20,2014
facebook
share this

Pakakasalan na ba ng boyfriend?

Joseph Greenfield - December 20, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jhonalyn ng Napocor Road,
 Fuentes, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Magli-limang taon na po kaming mag-on ng boyfriend ko. Kaya lang nuon niya pa sa aking sinasabing magpapakasal kami, pero hanggang ngayon di pa niya tinutupad, ako naman asa lang ng asa. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil tulad ng ibang mga babae, pangarap ko rin pong lumakad sa harap ng altar at mag-suot ng damit pang-kasal. May pag-asa kayang pakasalan ako ng boyfriend ko, at kung talagang di kaya sa simbahan, iniisip ko ay kahit na civil wedding na lang, kung tutuusin kasi parang mag-asawa na rin kami sa ngayon, madalas ng may nangyayari sa amin. Minsan sa kanila ako natutulog pero mas madalas nakikitulog siya sa aming bahay. Gusto kong makasal kami kasi natatakot din akong baka bigla na lang nya akong iwanan at sa bandang huli ay sa ibang babae siya magpakasal. Kami na kaya ang magkakatuluyan at compatible po ba kami? November 9, 1985 ang birthday ko at July 12, 1985 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Jhonalyn ng Iligan City  
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw, makapal at mahabang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung sinoman ang lalaking “tila asawa mo na sa ngayon” –  malinaw ang nais sabihin ng iyong palad pakasalan ka man niya o hindi tiyak na kayo pa rin ang magkakatuluyan at magsasama habang buhay.
Cartomancy:
Ang Two of Clubs ang nagsasabing may pagdadalawang isip ang boyfriend mo sa ngayon, at ang dahilan nito ay budget o pera na siya namang inilalarawan ng Jack of Diamonds, ganon paman, ayon sa Five of Hearts sa sandaling tumuntong ang taong 2015, mapipilitan na rin ang boyfriend mo na ikaw ay pakasalan, kaysa nga naman mawala ka pa sa buhay nya (Illustration 1.).
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending