Horoscope, December 19, 2014 | Bandera

Horoscope, December 19, 2014

Madam Sophia |December 19,2014
facebook
share this

Horoscope, December 19, 2014

Madam Sophia - December 19, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung naisasakatuparan mo lang ang mga inisip, mayaman ka sana ngayon! Magagawa mo pa naman kung  kikilos ka na ngayon. Sa pag-ibig at pagkakaperahan, aksyon ang kailangan upang lalo pang lumawig ang pagmamahalan. Mapalad ang 1, 7, 19, 22,  34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Om.” Beige at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Makakamit ang maturity kung tatanggapin nang maluwag sa loob na “Ang lahat ng bagay ay lumilipas at  nawawala rin.”  Liligaya sa pag-ibig, kung sinuman ang nandiyan, iyon na lang ang pagtiyagaan. Mapalad ang 1, 11, 19, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dosya-Om.” Green at yellow ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Mas marami kang kikitain kung mabubuhay ka sa sarili mong pagpapasya. Sa pag-ibig, huwag silang intindihin, tama ang nasa isip mo na “Kanya-kanyang taste ‘yan at walang basagan ng trip.” Mapalad ang 7, 19, 25, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trium-Savitra-Om” Maroon at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Samantalahin ang papalapit na Bagong Taon. Kalakal na bilog na prutas at tumutunog ang dapat.  Sa produktong nabanggit, malaking halaga ang tatabuin.  Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap, piliin ang isang Sagittarius. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Green at brown ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Panahon na upang magpakatuso at nang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, wag magpaimpluwensiya sa maluhong pamumuhay ng kasuyo. Ngayon pa lang paghandaan nyo na ang future. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Purple at magenta ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Wag manghinayang sa mga bagay na wala sa iyo, ikalulungkot mo lang ‘yan! Pahalagahan at pagsikapang palaguin ang mga bagay na hawak mo sa kasalukuyan. Sa ganyang paraan, mapapayapa ang isipan at mas mabilis kang yayaman. Mapalad ang 4, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Orange  at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Isagawa at bigyang aksyon ang anumang iniisip, sa ganyang paraan ay hindi ka mapagbibitangang puro ka lang kuwento.  Sa pag-ibig at pinansyal, laging maging praktikal upang lumagay habambuhay. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Hindi dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang naman ang susi upang yumaman, ito ay maging masinop  at matipid. Wag sumabay sa maluhong paggasta ngayong kapaskuhan.  Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Green at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Iwasang mag-init ang ulo upang patuloy na dumating ang suwerte. Sa negosyo, kung  magiging mahinahon ay mas malaking kita ang makakamit. Sa pag-ibig, hinahon din ang susi upang mapakitunguhan nang maayos ang topaking kasuyo. Mapalad ang 3, 9, 17, 27, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Produktong may kaugnayan sa pagkain ang simulan. Puto, bibingka at iba pang pagkain pampasaya ngayong Simbang Gabi ang dapat. Sa pag-ibig, kakaibang romansa ang ipalasap sa kasuyo upang hindi na siya maghanap ng iba. Mapalad ang 3, 12, 21, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Deva-Om.” Lilac at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Pagbutihin pang lalo ang anumang ginagawa. Ang salapi at maligayang pag-ibig ay kusang dumarating sa takdang panahon kung lagi kang naka-red. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum Arhate-Om-Padme-Om.” Bukod sa red ang blue ay buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag gawing kumplikado ang mga buhay—manatili sa iisa at dati nang minamahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius. Mapalad ang 9, 12, 27, 39, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna-Hare.” Purple at magenta ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Simulan mo nang gumising nang maaga upang marami kang magawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mag-Simbang Gabi muna upang lalong sumarap  ang romansa. Mapalad 6, 16, 24, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Gray at pink  ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending