Maja kay Gerald: Hindi talaga siya nagsasawang iparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako! | Bandera

Maja kay Gerald: Hindi talaga siya nagsasawang iparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako!

Ambet Nabus |December 19,2014
facebook
share this

Maja kay Gerald: Hindi talaga siya nagsasawang iparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako!

Ambet Nabus - December 19, 2014 - 03:00 AM

MAJA SALVADOR AT GERALD ANDERSON

MAJA SALVADOR AT GERALD ANDERSON

Kahit nabahiran ng kalungkutan ang darating na Kapaskuhan sa pamilya ni Maja Salvador dahil sa pagkamatay ng kanyang lola, sinisikap naman daw ng bawat isa sa kanila na makapag-move on agad.

“Part of life. Malungkot pero dapat tayong mga naiwan ay magpatuloy sa ating buhay at mas lalong ma-inspire dahil sa kanila,” sey ni Majs na naging isa sa mga pambatong leading lady ng Kapamilya network dahil sa pag-ariba ng kanyang career ngayong 2014. Iddagda pa ang napakagandang relasyon nila ni Gerald.

When asked kung ano ang pinakabonggang regalong naibigay sa kanya ng BF, “Siyempre ‘yung love niya. Every day niya ipinaparamdam kung gaano ako kaespesyal. Hindi siya nagsasawa na iparamdam kung gaano niya ako kamahal.”

Pero kung sa materyal, “Siguro ‘yung pinaka-first ever date namin (‘yung may helicopter) kasi nga love is in the air.”
At bago pa man matapos ang taon, may Pamaskong handog si Maja kasama pa sa kauna-unahang pagkakataon ang real-life boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Mapapanood na sa darating na Lunes ang The Gift Of Life, ito ang second offering ng Christmas serye ng ABS-CBN na Give Love On Christmas after ng The Gift Giver.

Sa kwento, gaganap si Gerald bilang si Tristan, isang binata na nangangailangan ng kidney transplant matapos ang isang malagim na aksidente noong kanyang kabataan. Sa kanyang paghahanap ng posibleng donor,  makikilala niya ang ulilang dalaga na si Melissa (Maja) na nawalan na ng paniniwala sa Diyos mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang.
Sa pagkukrus ng kanilang landas, mabubuo ang isang espesyal na kasunduan—ang tulungan ni Melissa na tuparin ang mga  bagay na nasa “bucketlist” ni Tristan. Ito nga pala ay sa direksyon ni Malu Sevilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending