Anak ni Mark Herras nilait ng walang pusong basher; tinawag na ‘chararat’ | Bandera

Anak ni Mark Herras nilait ng walang pusong basher; tinawag na ‘chararat’

Alex Brosas |December 19,2014
facebook
share this

Anak ni Mark Herras nilait ng walang pusong basher; tinawag na ‘chararat’

Alex Brosas - December 19, 2014 - 03:00 AM

MARK HERRAS

MARK HERRAS

Asar-talo si Mark Herras sa isang mahaderang nanglait sa kanyang anak.

Replete with nastiness ang comment ng @harthartluvluv143 who called Mark’s daughter as “chararat” and “mukhang batang payatas”. Idinagdag pa nitong “hindi talaga maganda at hindi  mukhang anak ng celebrity” ang baby ni Mark. Mas maganda pa nga raw ang anak ng MELASON (Melai at Jason).

That was the nasty commenter’s reaction sa photo na lumabas sa isang website kung saan kalong-kalong ni Mark ang baby niya.

Pissed off siyempre si Mark. Who wouldn’t, eh, nilait nga naman ang anak mo. Out of gigil marahil, talagang tumalak ang aktor  at gumanti ng salita sa nag-comment sa kanyang anak. Pinagsabihan nitong mag-aral ang hitad para magkaroon ng magandang asal. Hindi raw ba ito naturuan ng magandang asal ng kanyang magulang. Wala raw itong pinag-aralan at tinawag itong walang kuwentang tao.

In retaliation, sumagot din ang hitad na netizen and said, ‘HOY LAOS IKAW DAPAT HINDI NAG-IINSTAGRAM! ADIK NATO!  BWAHAHAHAHA”

Bakit ba may ganitong tao, na pati batang walang malay ay nilalait-lait Ang mga ganitong nilalang ay hindi na dapat nabubuhay sa mundo. Halatang bastos din ang ina nito, walang magandang naituro sa kanyang anak. Sana’y makarma ang ganitong tao na walang pakundangan kung manglait ng bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending