Derek natanggap na ang pinakabonggang regalo sa Pasko | Bandera

Derek natanggap na ang pinakabonggang regalo sa Pasko

Cristy Fermin |December 19,2014
facebook
share this

Derek natanggap na ang pinakabonggang regalo sa Pasko

Cristy Fermin - December 19, 2014 - 03:00 AM

DEREK RAMSAY AT MARY CHRISTINE HOLLY

DEREK RAMSAY AT MARY CHRISTINE JOLLY

Ilang tulog at gising na lang at Pasko na. Kaliwa’t kanan na ang pagbibigayan ng regalo ng ating mga kababayan, pero kung ang hunk actor na si Derek Ramsay ang ating tatanungin, wala nang mas hihigit pa sa regalong katahimikan ng kalooban na kipkip na niya ngayon sa kanyang pang-araw-araw na buhay.

Matagal-tagal na panahon ding niligalig ng problema ang maginoong aktor, sa unang pagkakataon ay talagang dumating siya sa punto ng mga gabing walang tulog, iniintindi niya ang personal na problemang ihinain laban sa kanya ng dati niyang karelasyong si Mary Christine Jolly.

Pero natapos din ang lahat, malaya na niyang nakakasama ngayon ang kanilang anak na si Austin Gabriel, paalis na papuntang Dubai ang bata kaya sinasamantala na niya ang pagkakataong palagi itong makasama.

Maganda na rin ang nangyari dahil ‘yun ang kaisa-isang problemang dinadala ni Derek, alam ni Angelica Panganiban ang tungkol du’n, kaya kahit pa bumilang nang maraming taon ang kanilang relasyon ay hindi ito napakasalan ng hunk actor.
Wala na siyang itinatago pa ngayon, lumabas na ang katotohanan, hindi na siya mag-aalala na baka isang araw ay bigla na lang may lumabas na babae para isigaw ang mga kuwento ng kanilang nakaraan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending