Ara Mina nanganak na, Mayor Patrick handang-handa nang maging tatay | Bandera

Ara Mina nanganak na, Mayor Patrick handang-handa nang maging tatay

Ervin Santiago |December 19,2014
facebook
share this

Ara Mina nanganak na, Mayor Patrick handang-handa nang maging tatay

Ervin Santiago - December 19, 2014 - 03:00 AM

ARA MINA WITH BABY AND PATRICK MENESES

ARA MINA WITH BABY AND PATRICK MENESES

NANGANAK na si Ara Mina nu’ng Miyerkules ng umaga– isang bouncing baby girl ang unang anak nila ng kanyang boyfriend na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Mismong si Mayor Patrick ang nag-announce sa kanyang Instagram account na nanay at tatay na sila ni Ara, pinangalanan nila itong Amanda Gabrielle.

Eksaktong 11:35 a.m. noong Dec. 17 ipinanganak ni Ara si baby Amanda, weighing 7.4 pounds.

Ayon naman sa Instagram post ng aktres, “The perfect gift this Christmas! Our Mandy…Thank you Father for the safe delivery of our healthy baby girl. There’s nothing more I can wish for. We are truly blessed. A very merry Christmas indeed.”

Kung matatandaan, sa huling interview namin kay Ara sa presscon ng musical serye ng TV5 na Trenderas, sinabi niyang magiging hands-on mom siya sa baby nila ni Mayor Patrick at balak niya talagang magpa-breastfeed.

“Oo, magpapa-breastfeed ako. Para kasing ang sarap ng feeling na ikaw yung nagpapa-dede sa anak mo. Iba yung attachment ng mother and child kapag ganu’n. Ako, gusto ko ‘yung ma-experience,” anang sisteraka ni Cristine Reyes na nagdadalangtao rin sa kasalukuyan courtesy of her martial arts expert boyfriend.

Bago pa manganak si Ara ibinalita rin niya na talagang super excited na ang kanyang boyfriend sa paglabas ng kanilang baby.
“Siya ang madalas mag search sa internet ng mga gamit ng baby like stroller, inaalam niya ang specs mga ganun ang tiyaga sa mga cribs, ang tiyaga niya mag search. Kasi ang plan namin kung ano ang mabibili namin iyon na rin ang gagamitin sa second baby kasi plano niya agad sundan,” kuwento pa ng aktres na mommy na rin ngayon.

Siguradong pagkatapos manganak ni Ara ay susunod na ang kasal nila ni Mayor Patrick. Mismong ang alkalde na rin ang nagsabi nu’ng mga nakaraang buwan na bukod sa handa na siyang maging tatay ni baby Amanda ay handang-handa rin daw niyang pakasalan ang nanay ng kanyang baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending