In love sa ka-office mate | Bandera

In love sa ka-office mate

Joseph Greenfield |December 18,2014
facebook
share this

In love sa ka-office mate

Joseph Greenfield - December 18, 2014 - 02:33 PM

Sulat mula kay Karen ng Pandol, Corella, Bohol
Dear Sir Greenfield,
May ka-office mate po ako na laging nakatingin sa akin sa tuwing pumapasok kami. Matagal ko na itong napapansin. Sa ngayon po parang nagkakagusto na ako sa kanya. A
ng problema ay hindi naman niya ako kinakausap, basta tingin lang siya ng tingin sa akin. Silent type kasi siya, pero matalino, kaya lang parang may pagka-torpe at mahiyain. Ano po ba ang dapat kong gawin, para kausapin nya na ako hindi iyong puro tingin lang siya. May possibility kaya na maging boyfriend ko siya, kasi habang tumatagal parang feeling ko sa katititig niya nai-in love na rin ako sa kanya. Compatible kaya kami at siya na kaya ang magiging first boyfriend ko hindi pa po kasi ako nagkaka-boyfriend since birth. May 16, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Karen ng Corrella, Bohol
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda ang pagkakaguhit ng iyong Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.), walang bilog at hindi rin napatid.
Ito ay tanda na kahit na hindi ka pa nagkaka-boyfriend sa edad mong 24 sa ngayon, siguradong ikaw ay magkakaroon ng isang masaya at  successful na love life.
Cartomancy:
Two of Hearts, Five of Hearts at Ace of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mula sa buwang ito ng Disyembre, hanggang sa taong 2015, magiging makulay ang love life mo, unti-unti ka nang iibig sa lalaking ka-office mate mo, hanggang sa kusang mabuo ang isang meaningful, romantiko at masayang relasyon.
Itutuloy….  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending