Horoscope, December 18, 2014 | Bandera

Horoscope, December 18, 2014

Madam Sophia |December 18,2014
facebook
share this

Horoscope, December 18, 2014

Madam Sophia - December 18, 2014 - 02:17 PM

Para sa may kaarawan ngayon:  Wag isiping nagkaka-edad ka na! Alalahaning marami ka pang magagawa upang umunlad ang kabuhayan – umpisahan mo na ngayon. Sa pag-ibig:  “Ang pusong nagmamahal, laging bata ang pakiramdam!” Mapalad ang 9, 15, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitre-Om.” Pink at blue ang buenas.  

Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi dapat makipagtalo, sa pamamagitan ng diplomasya, mas malaking halaga ang kikitain. Sa pag-ibig, gamitan ng lambing at haplos ang minamahal upang muli uminit ang suyuan.  Mapalad ang 1, 4, 19, 28, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum-Om-Obre.” Orange at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag magtiwala sa isang taong madakdak  at makuwento – uutangan ka lang nya! Sa pag-ibig, mas masarap ka-relasyon ang mga mapapayat, mahaba ang kanilang pasensya. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Araanam-Om.” Blue at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Alalahaning malungkot ang pasko kapag kapos ang pera! Ngayon palang unti-unti ka ng magtipid. Sa pag-ibig, iplano nyo na ng iyong kasuyo ang isang simple, pero masayang pagdriwang ng kapaskuhan. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimu-Soph-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Huwag masyadong malihim, ibunyag ang nilalaman ng puso bago maunahan ng iba. Sa pinansyal, ilihim sa kasuyo ang mga naiipon mong  pera upang ito ay lalo pang dumami. Malad ang 1, 20, 29, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Wag mainggit, sapagkat may kakayahan ka ring paunlarin ang iyong sarili. Sa pag-ibig, wag asahan ang kasuyong walang pangarap sa buhay. Ikaw ang dapat na kumilos. Mapalad ang 6, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Pink at magenta ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kahit gustong-gusto mo ng mamili ng mga pang-regalo sa pasko wag mo munang gawin. Mag-isip ng pinaka-tipid na pangregalo ngayong pasko! Sanayin ang pamilya sa mga mumurahin pero masustansya namang pagkain. Mapalad ang 5, 10, 23, 27, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dominum-Om-Factum.” Silver at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Huwag masyadong maging maluho, lalo na ngayong pasko! Tandaang mahirap kitain ang pera! Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa isang Aquarius na malaki ang tiyan. Mapalad ang 5, 15, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aun-Vedanta-Om.” Silver at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi dapat hanapin ang kaligayahan sa mga bagay na material. Mag-ipon lang ng sapat para sa kinabukasan. Sa pag-ibig, higit na payapa ang isip ng may simple at sama-samang pamilya kaysa sa pagiging ubod ng yaman. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Manu-Om.” Silver at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi ka tatanda kung palagi kang masaya. Ngitian ang mga kausap upang dumami ang benta. Sa pag-ibig, higit na sasarap ang romansa kung hahaluan ng harutan at  kilitian ang paglalambingan. Mapalad ang 4, 16, 22, 31, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Aum-Joviyo.” Green at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Upang pumasok ang maraming pera, tandaang bawal ang magalit. Sa pag-ibig, maging mahinahon upang mapanatili ang masarap na relasyon. Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Naramdaman kasi nila na marami kang pera, kaya madalas kang mautangan! Tama ang iniisip mo, pagtaguan mo sila! Sa pag-ibig, ngayon palang paglaanan na nang budget ang masayang pasko na sama-sama ang pamilya. Mapalad ang 7, 13, 23, 29, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi dapat kainipan ang magandang kapalaran, kusang darating yan! Sa susunod na taong 2015, magsisimula ng dumami ng dumami ang iyong salapi. Sa pag-ibig, inip ng naghihintay ang isang Cancer pagbigyan mo na siya. Mapalad ang 7, 16, 21, 39, 41 at 48.  Mahiwaga mong mantra: “Om-Tetra-Aum-Malka.” Green at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending