Tanduay puntirya ang ika-3 diretsong panalo | Bandera

Tanduay puntirya ang ika-3 diretsong panalo

Mike Lee |December 18,2014
facebook
share this

Tanduay puntirya ang ika-3 diretsong panalo

Mike Lee - December 18, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
12 n.n. Racal Motors vs Tanduay Light
2 p.m. Café France vs Bread Story
Team Standings: Hapee (7-0); Cagayan Valley (6-0); Café France (5-2); Jumbo Plastic (5-3); Cebuana Lhuillier (4-3); Tanduay Light (3-4); AMA (3-5); Wangs Basketball (2-4); Racal Motors (2-4); Bread Story (2-4); MJM M-Builders (1-6); MP Hotel (1-6)

IKATLONG sunod na panalo ang nais lagukin nng Tanduay Light habang babangon ang Café France mula sa di magandang pagkatalo sa huling asignatura sa pagpapatuloy ngayon ng 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kalaro ng Rhum Masters ang Racal Motors sa ganap na alas-12 ng tanghali bago humalili ang Bakers kontra sa Bread Story-LPU dakong alas-2 ng hapon.

Papasok ang tropa ni Tanduay Light coach Lawrence Chongson mula sa 69-58 panalo laban sa MP Hotel para sa kanilang ikatlong panalo matapos ang pitong laro.

Kailangan ng Tanduay ang panalo para manatiling nagsosolo sa mahalagang ikaanim na puwesto na siyang huling koponan na aabante sa susunod na round.

Sa kabilang banda, ang Racal Motors ay may 2-4 karta para makasalo ang Bread Story at Wang’s Basketball sa ikawalo hanggang ikasampung puwesto.

Hindi pa naman talsik ang nasabing mga koponan pero dapat ay maipanalo nila ang mga haharaping asignatura para uminit ang paghahabol ng puwesto sa quarterfinals.

Nananatiling nagsosolo naman ang Café France sa ikatlong puwesto bitbit ang 5-2 baraha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending