Kalat na: May multo sa kasal nina Chito at Neri | Bandera

Kalat na: May multo sa kasal nina Chito at Neri

Ervin Santiago |December 18,2014
facebook
share this

Kalat na: May multo sa kasal nina Chito at Neri

Ervin Santiago - December 18, 2014 - 03:00 AM

neri naig
Nakita n’yo na ba ang litratong kuha sa kasal nina Chito Miranda at Neri Naig na kumakalat ngayon sa social media?
Ayon sa ilang netizens, tila minulto raw ang wedding ng bagong kasal dahil sa isang picture na nai-post sa internet ay may makikitang isang lalaki na parang kaluluwang ligaw na nakatayo sa harap mismo nina Neri at Chito habang naghihiwala sila ng cake.

Pero ayon naman sa ilang nakakita nito, baka raw isa sa mga bisita sa kasal ang lalaking nakatayo sa gilid ng venue. Habang isinusulat namin ang balitang ito, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang bagong kasal.

Kung tititigang mabuti ang nasabing litrato, mukhang multo nga ang nakatayong lalaki na nakatingin kina Chito at Neri dahil medyo malabo ang imahe nito at maitim ang bahagi ng kanyang mukha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending