Gerald: Hindi kami nag-aaway ni Maja pero grabe ang kulit niya! | Bandera

Gerald: Hindi kami nag-aaway ni Maja pero grabe ang kulit niya!

Ervin Santiago |December 18,2014
facebook
share this

Gerald: Hindi kami nag-aaway ni Maja pero grabe ang kulit niya!

Ervin Santiago - December 18, 2014 - 03:00 AM

gerald anderson
KITANG-KITA sa itsura at mga kilos nina Maja Salvador at Gerald Anderson na maligayang-maligaya sila sa piling ng isa’t isa.
Sa presscon ng kauna-unahang project together ng real life lovers, ang second offering ng Give Love On Christmas na The Gift Of Life, pinatunayan ng dalawang Kapamilya stars na naging maganda naman ang resulta ng pakikipaglaban nila para sa kanilang pagmamahalan.

In fairness, mas gumanda ngayon si Maja at mas gumuwapo si Gerald, patunay lang na magaling silang mag-alaga ng relasyon. Kaya natanong ang dalawa kung nag-aaway ba sila o nagkakaroon din ng mga problema?

Sagot ni Ge, “Hindi naman maiiwasan sa isang relationship na merong misunderstandings, miscommunications. It’s inevitable, it’s given na mangyayari talaga ‘yan.

“Siguro, du’n nga mati-test kung gaano talaga katibay ang pinagdaanan niyo, yung relationship niyo. Yung sa amin naman, hindi po kami nag-aaway, I guess we’re close o maaga pa (para mag-away) pero sana…heto lang ang masasabi ko, hindi ko kaya ang pagiging makulit niya, grabe…grabe!

“Kahit madaling araw na, grabe. Pero nakakatuwang tingnan kasi, alam niyo na yung energizer na battery, parang hindi nauubos. Parang umiinom lagi ng energy drink, that’s her.

Nakikita ko na ganu’n talaga siya,” mahabang pahayag ng binata.  Bukod dito, isa pang gustung-gusto ni Gerald kay Maja ay, “It’s an advantage sa akin kasi kahit Pasko ngayon, not every day in our life is Christmas.

We go through nightmares, we go through Halloween. “I’m just really happy na napaka-positive ng outlook niya sa buhay kahit minsan there are times na malungkot. I’m really blessed,” sabi pa ng aktor.

Nagseselos ba siya kapag may mga umaali-aligid na ibang lalaki kay Maja? “Kaya nga ako nagwu-work out at nagma-martial arts ako, e. Kaya wala pang lumalapit. Ha-hahaha!”

“Hindi, kasi you have to…kailangang maging secure ka. Kung nagseselos ka, ibig sabihin ay parang may mali. Bakit ka magseselos? Di naman talaga yung magalit, pero puwede kang ma-off du’n sa lumalandi dun sa girlfriend mo.

“But, if you feel secure sa feelings niyo para sa isa’t isa, there’s no problem,” aniya pa. Wala pang plano sina Gerald at Maja sa Pasko, hindi pa rin daw sila nakakapili ng regalo para sa isa’t isa. Chika ni Gerald, “I’m sure, malalaman niyo rin ‘yan sa Instagram o sa Twitter.

Pero sa ngayon, let’s keep it simple and private muna. “Im sorry, pero yun ang totoo, yun muna.”  Ano ba ang pinakamagandang regalo na natanggap niya mula kay Maja mula nang maging sila, “Siguro, bukod sa girlfriend-boyfriend relationship naming dalawa, yung pagkatao niya.

Kung paano siya…yung tipong kapag tinawagan mo siya, kung kahit ano’ng busy siya sa ginagawa niya, she’ll cross oceans for you. And on the spot.

“Alam naman natin lahat na love can come and go, it’s a cycle. But this person, mas tini-treasure ko yung pagkatao niya, yung personality niya. Kung paano niya minamahal yung pamilya niya at yung mga taong close sa akin.

So yun, Merry Christmas,” nakangiti pang sabi ng aktor.

Samantala, magsisimula na ang The Gift Of Life sa darating na Lunes (Dec. 22) kapalit ng The Gift Giver ni  Eddie Garcia na magtatapos na ngayong Biyernes.

Sa kwento ay gaganap si Gerald bilang si Tristan, isang binata na labis na nangangailangan ng kidney transplant matapos ang isang malagim na aksidente noong kanyang kabataan.

Sa kanyang paghahanap ng posibleng donor,  makikilala ni Tristan  ang dalagang ulila na si Melissa (gagampanan ni Maja) na nawalan na ng paniniwala sa Diyos mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang.

Sa pagkrus ng landas ng dalawa, mabubuo ang isang espesyal na kasunduan—ang tulungan ni Melissa na tuparin ang mga  bagay na nasa “bucketlist” ni Tristan na puno ng mga nais niyang gawin ngunit hindi masubukan dahil sa kanyang sakit.

Paano babaguhin nina Tristan at Melissa ang buhay ng isa’t isa sa pagtutulungan nila na makuha muli ang mga bagay na nawala sa kanila – ang pagkakaroon ni Tristan ng isang normal na buhay at  ang pananampalataya ni Melissa?

Kaya ba ni Melissa na isakripisyo ang sarili upang mabuhay nang normal  si Tristan? Tampok din dito sina Marlann Flores, Melissa Mendez, Ricardo Cepeda, Nico Antonio, Shey Bustamante at Angel Sy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y sa direksyon ni Malu Sevilla. Huwag palampasin ang pagsisimula ng The Gift of Life sa Give Love on Christmas ngayong Lunes, bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending