Kim: Gusto kong ikasal, tapos yung wedding gown ko pang-princess! | Bandera

Kim: Gusto kong ikasal, tapos yung wedding gown ko pang-princess!

Ervin Santiago |December 17,2014
facebook
share this

Kim: Gusto kong ikasal, tapos yung wedding gown ko pang-princess!

Ervin Santiago - December 17, 2014 - 03:00 AM

kim chiu

Kung magkakaroon daw ng part 3 ang “Feng Shui”, gusto ni Kris Aquino na ito’y pagbidahan ng Kapamilya Teleserye Princess na si Kim Chiu.

Sa isang episode ng Kris TV,  sinabi ng TV host-actress na sigurado siyang mabibigyan ni Kim ng justice ang third installment ng movie. “Alam mo kanina pinag-usapan namin ni Deo (Endrinal) nu’ng papunta ako dito.

Sabi ko kung may part three sana ikaw ang makatrabaho ko,” sey ni Kris kay Kim nang mag-guest co-host ito sa morning show ng Queen of all Media.

Dugtong pa ni Tetay, “Parang ‘yung tipong ipinasa na sa kanya. Basta sinabi ko lang na parang bagay kay Kim kung itutuloy.”
Isa sa mga official entry sa MMFF 2014 ang “Feng Shui 2” nina Kris at Coco Martin sa direksiyon pa rin ni Chito Roño, showing on Dec. 25 under Star Cinema.

Samantala, natanong din ni Kris si Kim tungkol sa pagli-link sa kapatid niyang si Wendolyn Chiu sa young matinee idol na si James Reid. Balita kasing nagkakamabutihan na raw ang dalawa.

“Hindi ko din alam. Hindi ko siya kasama sa house,” sagot ni Kim. Nauna nang idinenay ni James na may “something” sa kanila ng sister ni Kim, friends lang daw talaga sila.

Nang mapag-usapan nila ni Kris ang tungkol sa mga celebrity wedding, “Ang dami kayang gustong ikasal. Ako gusto ko kayang ikasal. Hindi ngayon. Siyempre sa church.

Siyempre huwag na muna yung kailan. Gusto ko ulit princess ‘yung (wedding) gown ko. Kasi hindi ba yung mga sisters ko hindi sila ikinasal.”

Samantala, marami nang fans ang nag-aabang sa susunod na teleserye ni Kim Chiu sa ABS-CBN. Naibalita nang magkakasama uli sila ni Xian Lim sa susunod niyang proyekto sa ABS-CBN.

Ito’y matapos ngang tanggalin ang aktor sa seryeng The Bridges na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Maja Salvador.
Ibig sabihin, hindi na matutupad ang hiling ng ilang fans ni Kim na magtambal uli sila ni Coco Martin after ng Ikaw Lamang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending