Dingdong ayaw patulan ang bashers ni Marian | Bandera

Dingdong ayaw patulan ang bashers ni Marian

Ambet Nabus |December 16,2014
facebook
share this

Dingdong ayaw patulan ang bashers ni Marian

Ambet Nabus - December 16, 2014 - 03:00 AM

dingdong dantes
Kaya nga bilib kami kay papa Dingdong Dantes nang turan niyang kahit kailan ay never na pumasok sa isip niya ang pumatol sa mga basher, lalo na yung mga  nang-aalipusta sa babaejng pakakasalan niya – si Marian Rivera.

Yun nga raw ang isang bagay na natutunan nila sa pagsibol ng social media. Lahat ay nag-oopinyon at lahat ay may karapatan na mamintas o mang-api. Sey ng “Kubot” lead star, “Signs of time.

Dapat lang na maging responsable tayo sa mga pagbabagong dulot at dala ng media o ng mga electronic communication na yan. At the end of the day, ang tao pa rin ang dapat na nagkokontrol sa mga ito.”

Kaya nga kapag may mga nangungulit daw sa kasal nila ni Marian at yung mga isyung kakambal nito gaya ng pagpapasikat daw, ng bridal war with Heart Evangelista, yung kagarbohan sa maraming bagay including ninong at ninang, at pati na yung prenup item na never naman daw talaga nilang pinag-uusapan,

“We’d rather not react or talk about it kasi baka may iba na namang interpretation ang iba, tapos maaapektuhan na ang marami,” hirit ni papa Dong.

Sa nalalapit nga nilang kasal ngayong Dec. 30 ay aminado ang aktor-host-producer na nasa 80% pa lang sila ng preparasyon nila. “Siguro yung iba sa mismong araw na ng kasal at sa reception and even after,” dagdag pa nito.

Anyway, kahit confident naman si papa Dong sa laki at sa ganda ng MMFF entry nilang “Kubot”, nanawagan pa rin siya sa publiko na suportahan ang kanilang movie bilang isa rin siya sa producer nito. Aniya, “Nakasalalay po sa mga manonood ng entry namin ang future namin ni Marian.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending