Resbak kina Aiza at Liza: Kayo ang tumigil, wag kayong OA! | Bandera

Resbak kina Aiza at Liza: Kayo ang tumigil, wag kayong OA!

Ambet Nabus |December 16,2014
facebook
share this

Resbak kina Aiza at Liza: Kayo ang tumigil, wag kayong OA!

Ambet Nabus - December 16, 2014 - 03:00 AM

aiza segurra
Speaking of social media, agree naman kami sa opinyon ng marami na kung gusto talaga nina Liza Diño at Aiza Seguerra na mabawasan o malimitahan ang pamba-bash sa kanila, siguro ay dapat din nilang limitahan ang pagbabandera sa buong mundo ng kanilang love affair.

Yes, tulad ng ilang sektor ng lipunan, saludo kami sa ginawa nilang pagpapakasal, pero dapat din silang maging aware na may mga taong hindi pa rin tanggap ang same sex marriage lalo na sa ating bansa kaya huwag nilang asahang pupurihin sila ng lahat ng tao.

Napag-alaman kasi namin kapatid na Ervin na napikon na raw sina Liza at Aiza sa kanilang bashers kaya pinapatulan na nila ito also using the social media.

Tinalakan talaga nila ang mga pakialamerang netizens at nagsabing sana’y tantanan na sila at huwag nang pakialaman pa.
Ang sa amin lang, kung gusto ninyong wag kayong pakialaman ng ilang anti-same sex marriage, eh di huwag din ninyong sobrahan ang mga emote ninyo bilang lesbian couple para walang pikunan pagdating ng panahon.

Ha-hahaha! Hindi naman masama ang magpahayag at magmalaki ng saloobin sa mundo, but then again, hindi naman ibig sabihin ay sasakay na ang buong bayan at sasang-ayon na lang sa mga gusto n’yo.

Kung wala namang labis na nagpapahayag eh di wala ring paglalaruan ang bashers at mas lalong hindi dapat maging “patola”  (read: mapagpatol) kung ayaw ninyong mapupulaan, di ba kapatid na Ervin?

Hay, bakit ba kasi napatol-patulan pa namin ang usaping ito. Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending