Kris may bagong dyowa-dyowaan: Sorry, ayokong sagutin yan! | Bandera

Kris may bagong dyowa-dyowaan: Sorry, ayokong sagutin yan!

Ambet Nabus |December 15,2014
facebook
share this

Kris may bagong dyowa-dyowaan: Sorry, ayokong sagutin yan!

Ambet Nabus - December 15, 2014 - 03:00 AM

 

noynoy aquino

Noong sinabi ni Kris Aquino na walang choice ang Kuya niyang si Presidente Noynoy  na magba-back-to-back movie watching ng mga entries nila ng anak na si Bimby sa MMFF, nauna na niyang sinabi na okey lang kung ang “Praybeyt Benjamin” ang unahin nito.

“Siyempre mas uunahin ni P-Noy ang movie ng pamangkin niya. Basta ang importante, pareho niya kaming susuportahan,” sey pa ng queen of all talk noong makapanayam namin ito.

Maingat rin sa pagsagot si Kris nang iba pang tanong ng press lalo na yung may kinalaman sa kanyang magandang aura ngayon.

May nagkomento kasi na halos walang ipinagbago ang itsura nito noong una niyang gawin ang “Feng Shui” a decade back, “Para ka ngang nakakakita ng old poster.

Parehong parehong-pareho pa rin ang aura,” sey ng isang nakakapuna sa kakaibang “ningning” ni Kris ngayon.”I’m sorry pero I won’t answer that,” sey nito sa mga nagpipilit malaman kung sino ang posibleng lalaki na nagpapasaya ngayon sa aktres-TV host.

Pero feeling ng marami meron na namang bagong guy na umaaligid kay Kris.Dedma na rin ito sa noon pang isyu hinggil sa paglalambing na kanyang ginagawa sa mga kaalyado nilang mayor para mag-sponsor ng mga block screening o bumili ng bulto-bultong movie tickets every MMFF season na may entry siya, to ensure nga na laging nasa top 3  ang mga movies niya.

“Given na naman iyan,” hirit ng isang kaibigan ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending