Jericho proud na proud sa binatilyong anak | Bandera

Jericho proud na proud sa binatilyong anak

Ervin Santiago |December 15,2014
facebook
share this

Jericho proud na proud sa binatilyong anak

Ervin Santiago - December 15, 2014 - 03:00 AM

jericho rosales
Binatilyo na rin pala ang anak ni Jericho Rosales na si Santino. Proud na proud ang Kapamilya actor na ipinost sa kanyang Instagram account ang ilan sa mga litrato nilang mag-ama.

Nag-celebrate kamakailan ng kanyang 14th birthday si Santino at naroon nga si Echo para makasama ang binata. Sa kanyang IG, nakita namin ang picture ng isang jersey kung saan nakasulat ang kanyang pangalan sa likod na may message para sa anak.

“So proud of this boy. I love you, son. Happy birthday! God rocks. @santino_rosales,” sey ni Echo. Si Santino ay anak ng aktor kay Kai Palmores.

Mukhang maayos naman ang relasyon ng dalawa na parehong tinatawag ni Santino na kanyang mga “official cheerleaders.”
Sa Instagram account naman ni Kai ay makikita ang ilang larawan na kuha sa birthday celebration ni Santino na pinuntahan din ni Echo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending