Kasal nina Aiza at Liza dumaan muna sa matinding pagsubok bago natuloy | Bandera

Kasal nina Aiza at Liza dumaan muna sa matinding pagsubok bago natuloy

Reggee Bonoan |December 12,2014
facebook
share this

Kasal nina Aiza at Liza dumaan muna sa matinding pagsubok bago natuloy

Reggee Bonoan - December 12, 2014 - 03:00 AM

aiza segurra
LAS Vegas, USA —Follow-up news tungkol sa nasulat naming kasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño, puring-puri kasi ito ni Sylvia Sanchez dahil napaka-intimate raw ng seremonya at sobrang romantic.

“Inspired sa pelikulang ‘Twilight’. Hinihintay ko nga bumaba sina Bella at Edward kasi ang dami-daming puno,” simulang kuwento ni Ibyang. Tumayong ninong sa kasal ang asawa niyang si Papa Art Atayde.

“Ang ganda ng wedding, Reggee, very emotional sila pareho, napaka-intimate. Si Liza iyak nang iyak habang naglalakad patungo sa harap, si Aiza naman, sobrang nangangatog, hindi malaman ano gagawin,” masayang kuwento ni nanay Teresita ni Kute sa Be Careful With My Heart.

Dagdag kuwento pa ng aktres, “‘Do It Yourself’ kasi ang usong kasal dito sa Amerika, dumating kami sa venue ng 2:30, inabutan pa namin si Aiza nagkakabit ng mga ilaw samantalang 3 p.m. ang kasal, kaya kaming lahat ng kaibigan niya ay tumulong sa pag-aayos.

“Sina Arjo at Ria (Atayde) maski na nakabihis, tumulong sila sa mga gagawin. Inabot na ng alas-tres ng hapon si Aiza sa pagkukumpuni kaya’t pinapasok na siya para magbihis kaya 3:30 na nagsimula ang ceremony,” say ng aktres.

Ang asawa naman ni Ibyang na si Papa Art ang tinanong namin kung paano siya napapayag na maging ninong, “Siya (Ibyang) ang abogado ko, sa kanya nagsabi,  E, mabait at kaibigan namin si Aiza kaya pumayag ako.

Sa message ko nga, eh, sabi ko, sa lahat ng kasal na kinuha akong ninong, this is unusual, kasi nga same sex marriage.
“Pero wala tayong magagawa, nagmamahalan sila, ano naman ang magagawa ko, alangan namang pigilan ko, very emotional nga ‘yung dalawa, eh.” nakangiting kuwento sa amin ni papa Art.

May nagsabi rin sa amin na may mga inalok din daw sina Aiza at Liza na maging ninong, pero hindi raw pumayag kaya pala abut-abot ang pasalamat nila sa mag-asawang Art at Sylvia dahil pumayag ang mga ito.

Samantala, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming bumabatikos sa ginanap na kasalan nina Aiza at Liza. Mabilis na sangga ng aktres, “Reggs, kaibigan ko si Aiza, mahal ni Aiza pamilya ko, 9 years old palang si Arjo, nagkakasama na sila, minahal ni Aiza buong pamilya ko, mabait siya sa amin, kaya anong dahilan para tanggihan ko?

“Saka nakita ko si Aiza kung paano siya sumaya, kasi nagkabalikan sila ni Liza umpisa ng Be Careful (With My Heart), sobrang inspired siya, kitang-kita ko kung gaano siya kasaya, iisa ang sinasabi niya, paano niya mapapasaya si Liza pati anak nito. Sobrang mahal ni Aiza ang anak ni Liza.

“At paano ko pipigilan ang dalawang taong nagmamahalan, sobrang nagmamahalan?  Sino ako para manghusga? Kung iba ang tingin ng ibang tao, bahala sila, choice nila, basta ako, mahal ko si Aiza at si Liza, sobrang mabait da pamilya ko,” aniya pa.

Maging mga anak daw ng mag-asawang Art at Ibyang ay mahal si Aiza dahil nakalakihan na nila, “Hindi ko sila isinama, sila ang nagpilit na sumama kasi gusto raw nilang ma-witness ang kasal nina Aiza at Liza.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sobrang touching din daw ang “vow” ng dalawa para sa isa’t isa na hindi na lang idinetalye sa amin kung ano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending