Bagong serye ni Richard Yap niluluto na ng ABS | Bandera

Bagong serye ni Richard Yap niluluto na ng ABS

Ervin Santiago |December 12,2014
facebook
share this

Bagong serye ni Richard Yap niluluto na ng ABS

Ervin Santiago - December 12, 2014 - 03:00 AM

richards yap
Ibinunyag ng 47 anyos na aktor na si Richard Yap na may niluluto nang bagong teleserye ang ABS-CBN para sa kanya matapos ang dalawang taong pag-ere ng matagumpay na morning series na Be Careful With My Heart.

“Magpapahinga siguro muna ako ng one month. Nag-iisip na sila ng istorya ng isang teleserye para sa akin na baka simulan sa Pebrero. May idea na sila pero wala pa ‘yong buong kwento at cast,” pagbabahagi niya sa Tapatan Ni Tunying na mapapanood na ngayong hapon.

Matupad na kaya ni Richard ang kanyang pangarap na bumida sa isang action project sa nalalapit niyang teleserye?
Ngunit bago ito ay patutunayan muna ni Richard kung may ibubuga rin siya sa comedy dahil kabilang siya sa cast ng “The Amazing Praybeyt Benjamin” na pinangungunahan ni Vice Ganda.

Sa kabila ng karaniwang masungit o istriktong mga papel niya sa telebisyon ay iginiit niyang natural ang pagiging komedyanye niya kaya hindi siya gaanong nahirapan sa naturang pelikula.

Very supportive din daw sa kanya si Vice sa mga eksena nila. “Mahilig naman akong magpatawa. Medyo alaskador din ako dati. O kaya siguro hanggang ngayon,” hirit niya.

Iyan at marami pang iba tungkol sa personal na buhay at karera ni Richard ang dapat abangan sa Tapatan Ni Tunying kasama si Anthony Taberna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending