Matapos makipag-live in ng 2 taon, Solenn Heusaff engaged na rin | Bandera

Matapos makipag-live in ng 2 taon, Solenn Heusaff engaged na rin

Ervin Santiago |December 12,2014
facebook
share this

Matapos makipag-live in ng 2 taon, Solenn Heusaff engaged na rin

Ervin Santiago - December 12, 2014 - 03:00 AM

solenn heusaff
Engaged na rin ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff sa kanyang Argentinian live-in partner na si Nico Bolzico. Kumalat sa social media ang litratong ipinost ng dyowa ni Isabelle Daza na si Adrien Semblat sa kanyang Instagram account kung saan makikitang nagto-toast sina Solenn at Nico na may caption na: “Engaged”.

May ipinost ding picture si Isabelle sa kanyang IG account kasama ang mga kaibigan nila ni Solenn na sina Anne Curtis, Georgina Wilson at Carla Humphries na may caption na: “Celebrating love tonight.”

Very open naman si Solenn sa estado nila ng kanyang BF, hindi niya inilihim sa publiko na matagal na silang nagsasama sa iisang bubong kahit hindi pa kasal.

Pero ayon sa aktres, gusto rin niyang maranasan ang maikasal, hinihintay lang daw niyang mag-propose si Nico. Tanda pa namin ang sinabi noon ni Solenn sa isang interview, “For me, hindi masyadong importante.

For me, importante kapag may mga bagay na you buy something together or kapag may anak na kayo. Mas safe yung future ng mga anak. Pero kung wala kayong mga anak, for me, kahit living in.

Married or not married, for me, same lang.” Pero ngayon ngang engaged na siya, mas makukumpleto pa ang kanyang kaligayahan at magiging legal na silang mag-asawa ng kanyang foreigner boyfriend.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag si Solenn tungkol sa naganap na proposal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending