Coco ibinuking ni Kris...dinalaw ng babaeng may ‘big boobs’ sa shooting | Bandera

Coco ibinuking ni Kris…dinalaw ng babaeng may ‘big boobs’ sa shooting

Ervin Santiago |December 11,2014
facebook
share this

Coco ibinuking ni Kris…dinalaw ng babaeng may ‘big boobs’ sa shooting

Ervin Santiago - December 11, 2014 - 05:45 PM

kris aquino
Ibinuking ni Kris Aquino na may mga babaeng bumibisita kay Coco Martin sa shooting ng MMFF 2014 entry nilang “Feng Shui”, isa na rito ang babaeng may “big boobs” na nakasuot ng super ikling shorts.

Sa presscon ng “Feng Shui” nu’ng isang araw sinabi ni Tetay na may girl na bumisita sa set nila na talagang dumayo pa sa Antipolo para makita si Coco, “Remember that girl? She didn’t say hi to me,” natatawang chika ng TV host.

“Alam mo minsan talaga mapapansin mo. Kasi kung innocent, magha-hi sa iyo, ikaw lang. Tapos magkakatabi tayo, wala siyang sinabi. Tapos we’re in Antipolo it was so cold and she was in shorts shorts. Attractive naman,” sey pa ni Kris.

Bukod dito, meron pa raw isang babaeng dumalaw kay Coco sa shooting nila, “Tapos sa UP Village, there was another one. Akala niya di ko napansin sa holding area.

Kasi may mga tent. Hiwalay ang tent niya at hiwalay ang akin. Nung pinapatawag ko siya (Coco), sinabi, ‘May kasama po, may dumalaw po.’ The fact, two different girls, pero hindi niya ipinakilala!”

Ang feeling ni Kris, inililihim lang ni Coco ang tungkol sa kanyang girlfriend, “I think he’s just secretive pero may ka-text naman siya. Mapapansin mo ‘yon kapag sinisilip ang phone ng two in the morning.

“Akala niya di ko mapapansin, eh napapansin ko, eh ‘di good. Basta good na inspired siya. Hindi ko alam kung isa, dalawa o tatlo ang tini-text niya. Tapos may tumatawag din na late, tapos sinasagot niya,” pambubuking  ni Kris.

Tinawanan lang ni Coco ang mga naging pahayag ng mommy ni Bimby, “Wala, wala nga. Siyempre may mga taong dumadalaw sa set, siyempre kapag may mga taong kumakausap sa akin.

Alam mo minsan may mga fans din na nakikipag-kwentuhan. Hindi ko nga matandaan.” Samantala, naikuwento  ni Coco ang tungkol sa pagiging tunay na kaibigan ng kanyang co-star sa “Feng Shui”. Pinasalamatan nito si Kris sa pagdamay sa kanya noong kasagsagan ng kontrobersiya tungkol sa Bench sexy fashion show.

“Nasubukan ko si Ate Kris nung time na may dumating sa buhay ko itong year na ito. Siya ang kaisa-isang tao na nag-text sa akin na nandito ako at nandito ang family ko.

Kung ano ang kailangan mo, nandito kami dahil naniniwala kami sa iyo bilang tao na wala kang tinatapakan at iniisip na hindi maganda para sa iba,” mahabang kuwento ng award-winning actor.

Dugtong pa nito, “Kay Ate Kris every time na nagkikita kami, nahihiya ako kasi hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach. Sa shooting namin nahihiya man ako sa kanya pilit akong lumalapit sa kanya para magkaroon kami ng small talk at makapag-usap man lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro talagang ang turingan namin ay parang part ako ng family nila, di lang si Kris kung hindi mga kapatid niya then si President P-Noy,” hirit pa ni Coco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending