Sey mo Lovi...Rocco nakipaglaplapan kay Sheena | Bandera

Sey mo Lovi…Rocco nakipaglaplapan kay Sheena

Ervin Santiago |December 09,2014
facebook
share this

Sey mo Lovi…Rocco nakipaglaplapan kay Sheena

Ervin Santiago - December 09, 2014 - 03:00 AM

rocco nacino
KAABANG-ABANG ang mga maiinit na eksena ng dating magdyowa na sina Sheena Halili at Rocco Nacino sa GMA TeleBabad series na Hiram Na Alaala.

In fairness, pinatunayan ng dalawang Kapuso stars na talagang naka-move on na sila sa kanilang nakaraan matapos na pumayag na magsama uli sa serye ng GMA.

At ang nakakagulat, walang kaarte-arteng pumayag sina Sheena at Rocco na magkaroon ng kissing scene at love scene sa Hiram Na Alaala. At ‘yan nga ang dapat n’yong abangan ngayong linggo sa nasabing soap opera.

Ngayong gabi, tutukan ang mas tumitindi pang eksena sa Hiram Na Alaala na pinagbibidahan din nina Dennis Trillo at Kris Bernal: Isang nakamaskarang lalaki ang dumukot kay Andrea (Kris) at agad siyang isinakay sa sasakyan.

Takot na takot si Andrea. Pero nalaman niyang si Ivan (Dennis) ang nakamaskarang lalaki. Inis na naman si Andrea, inutusan niya si Ivan na pakawalan na siya pero ayaw nito.

Kailangan daw niya ilayo si Andrea kay Otep (Rocco) bago pa ito masaktan. Malayo-layo na ang narating sila pero hindi pa rin pinakikinggan ni Ivan si Andrea.

Papalag ang dalaga, inagaw niya ang manibela kaya nadisgrasya sila. Agad tumakas si Andrea. Hahanapin naman nina Gelai at Otep si Andrea matapos sabihin nina Xander (Allan Paule) at Annabel (Lotlot de Leon) na wala sa kanila ang dalaga.

Pinuntahan nila si Bethany (Lauren Young) pero wala rin doon si Andrea. Pinuntahan din nila si Regina (Jackielou Blanco), hinalughog ni Otep ang buong bahay. Nagalit si Regina pero walang pakialam si Otep.

Samantala, naglalakad mag-isa si Andrea at maliligaw. May lasing na mambabastos sa kanya pero ililigtas siya ni Ivan. Nagtatago lang pala ito sa di kalayuan.

May daraan na truck at paparahin niya ito pero huli na nang malaman nilang holdaper ang driver ng sasakyan at tinangay ang lahat ng gamit nila ni Ivan. Mapupunta sila sa gubat hanggang sa maligaw.

Bumalik naman sina Otep at Gelai sa apartment nina Otep. Pero isang sorpresa ang naghihintay kay Otep sa apartment – si Yasmin (Sheena Halili).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending