Paolo Ballesteros puro gimik kaya napapabayaan ang anak? | Bandera

Paolo Ballesteros puro gimik kaya napapabayaan ang anak?

Ervin Santiago |December 09,2014
facebook
share this

Paolo Ballesteros puro gimik kaya napapabayaan ang anak?

Ervin Santiago - December 09, 2014 - 03:00 AM

paolo balesteros
MAY natanggap kaming e-mail kahapon na mula sa isang nagngangalang Ron Gale. Meron siyang sentimyento sa TV host-actor na si Paolo Ballesteros.

Kinukuwestiyon ng sender ang pagiging tatay ni Paolo. Ayon kay Ron Gale, napapabayaan na raw nito ang kanyang anak dahil sa sobrang kabisihan sa trabaho, pero ang talagang concern daw niya ay ang walang patumanggang paggimik ng komedyante.

Narito ang ilang bahagi ng kanyang e-mail: “Paolo Ballesteros walang karapatang maging ama sa sariling anak dahil madalas nitong mapabayaan ang bata at inaasa na lamang sa kapatid ang pag-aalaga sa sariling anak na dapat siya ang gumagawa dahil obligasyon niya yon bilang magulang.

“Nakakadismaya talaga ang actor/tv host di baleng mapabayaan ang sariling anak makagimik lang kasama ang barkada. Hindi po iyon gawain ng mabuti at responsableng ama, dahil ang mabuting magulang mas uunahin ang anak kesa barkada pero si Paolo Ballesteros kabaligtaran.

“Wag ninyo sanang isipin na ito’y isang paninira sa actor/tv host kung inyong mamarapatin buksan ninyo ang social media account ng kanyang mga kaibigan at makikita ninyo ang mga larawan na madalas nitong paggimik.

Busy na nga everyday sa trabaho niya sa Eat Bulaga pero sarili niyang anak hindi mabigyan ng sapat na oras at panahon maging ng attention.

“Minsan ba naisip ni Paolo na hindi naman pera niya ang kailangan ng anak niya kundi magulang na magaaruga at magpaparamdam ng pagmamahal sa anak.”

“Kayo na po ang bahalang humusga walang lihim na maitatago habang buhay lalo na sa kagaya niyang public figure.”
Kung totoo nga ang sinasabi ni Ron Gale, mukhang kailangan nga sigurong ibalanse ni Paolo ang kanyang panahon, hindi talaga makatarungan ang pabayaan ang sariling anak at unahin ang sariling kapritso.

Kung totoong concern si Ron Gale, dapat matuwa pa si Paolo dahil may nagmamalasakit sa anak niya kahit hindi nila kaanu-ano.

Pero kung ang pagbabasihan ay ang mga nakaraang interview sa TV host, feeling naman namin hindi niya magagawang pabayaan ang kanyang anak.

Maraming beses na kasi niyang napatunayan na magal na mahal niya ang bagets at lagi na niyang sinasabi na ang lahat ng mga paghihirap at pagpapakapagod niya sa trabaho ay para sa kanyang anak.

At kung matatandaan, talagang ipinaglaban niya ang bagets para mapunta sa kanya ang pangangalaga rito. Kaya para sa amin imposibleng unanin ni Paolo ang kanyang mga dabarkads kesa sa kanyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Posibleng may pagkukulang din siya sa bata pero naniniwala kaming top priority pa rin niya ang kanyang pinakamamahal na daughter.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending