Pacman 'Laban o Bawi' sa pagbebenta ng mansiyon nila ni Jinkee sa Forbes | Bandera

Pacman ‘Laban o Bawi’ sa pagbebenta ng mansiyon nila ni Jinkee sa Forbes

Cristy Fermin |December 06,2014
facebook
share this

Pacman ‘Laban o Bawi’ sa pagbebenta ng mansiyon nila ni Jinkee sa Forbes

Cristy Fermin - December 06, 2014 - 03:00 AM

manny pacman
Ano ba ang totoo? Ibinebenta ba ni Congressman Manny Pacquiao ang kanyang bahay sa Forbes Park o hindi? Nauna nang lumutang ang kanyang pahayag na ibinebenta na raw niya ang mansiyon nila ni Jinkee sa Forbes Park dahil nahihiya na siya sa kanilang mga kapitbahay.

Marami raw kasing nagpupuntahan du’n na nakatsinelas lang, hindi raw naman niya mapaalis ang mga dumadalaw sa kanya dahil mahal niya ang mga ito, naiingayan na raw ang mga kapitbahay nila sa Forbes Park kaya gusto na niyang ibenta ang kanilang mansiyon.

Pero iba na ngayon ang sinasabi ng Pambansang Kamao, hindi raw naman niya ibinebenta ang kanyang bahay, kung may mga magiging interesado raw ay handa siyang makipagtransaksiyon. Ganu’n lang.

Baka raw kasi naiingayan na ang mga kapitbahay nila, nakakahiya naman, pero wala pa raw namang nagrereklamo sa pamunuan ng pangmilyonaryong subdivision tungkol du’n.

May kaguluhan ang kuwento. Hindi raw ibinebenta, pero kung may interesado, puwede rin. Ano ba talaga?  Nakakagulat din ang mga binibitiwang pahayag ng kampeong boksingero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending