Mga sikat na PBA player, Hayden Kho, BB, Papa Jack, bibida sa 2015 ng TV5 | Bandera

Mga sikat na PBA player, Hayden Kho, BB, Papa Jack, bibida sa 2015 ng TV5

Ervin Santiago |December 06,2014
facebook
share this

Mga sikat na PBA player, Hayden Kho, BB, Papa Jack, bibida sa 2015 ng TV5

Ervin Santiago - December 06, 2014 - 03:00 AM

hayden kho
TULUY-TULOY ang dalang saya ng TV5 bilang Happy Network sa darating na 2015 dahil sa bukod sa engrandeng pagsalubong sa bagong taon sa darating na New Year countdown na gaganapin live mula sa Quezon City Memorial Circle ay sunod-sunod din ang magbubukas na bagong programa na nag-uumapaw sa good vibes at feel-good TV viewing experience.

Kabilang sa mga new program offerings for 2015 ng TV5 ang mga shows na Happy Wife, Happy Life na magtatampok sa asawa at kapartner sa buhay ng mga sikat na PBA players; What’s the Problem na magiging “advice center ng bayan” sa pangunguna nina Gelli de Belen at Atty. Mel Sta. Maria; Healing Galing nina Dra. Edinel Calvario at Dr. Hayden Kho na magbibigay payo ukol mga maaaring lunas sa iba’t-ibang karamdaman sa katawan; E5 na maghahatid ng mga pinakamainit at pinakabagong happenings sa mundo ng showbiz; at ang Exteme Challenge: Kaya Mo Ba ‘To? na pangungunahan ni Derek Ramsay kasama ang mga pinag-usapang racers ng The Amazing Race Philippines Season 2.

Mabubusog din ang puso ng buong pamilya sa katatawanang hatid ng Two and ½ Daddies na pagsasamahan sa kauna-unahang pagkakataon sa telebisyon ng magkakapatid na Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari; Mac and Chiz nina Derek Ramsay at Empoy Marquez; at ang No Harm No Foul tampok si Ogie Alcasid kasama ang mga sikat na PBA players na handa nang tumawid sa mundo ng showbiz.

Kasama rin sa 2015 new offerings ng TV5 ang Call Me Papa Jack ng sikat na radio host at love guru na si Papa Jack; at ang kakaibang singing search na Rising Stars, at marami pang iba.

Tunay na napaka-happy ng pagpasok ng 2015 para sa TV5 kaya naman handang-handa na ang lahat para sa bonggang pagsalubong sa bagong taon.

Sisimulan ito ng Happy Network sa napakasayang New Year countdown sa Dec. 31 ng gabi at inaanyayahan ang lahat na maki-party mismo sa Quezon Memorial Circle o manood ng live sa kani-kanilang tahanan para salubungin ang bonggang 2015 kasama ang nag-iisang  happy network, ang TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending