Kim napahiya, na-wow mali sa Davao City | Bandera

Kim napahiya, na-wow mali sa Davao City

Ambet Nabus |December 02,2014
facebook
share this

Kim napahiya, na-wow mali sa Davao City

Ambet Nabus - December 02, 2014 - 03:00 AM

kim chiu
HAYAN, nasa gitna na naman ng intriga si Kim Chiu dahil sa isang honest mistake nang mai-post nito sa kanyang Instagram account ang diumano’y napakahabang pila ng mga tao na manonood daw ng pelikula nilang “Past Tense” sa SM City Davao.

Marami talaga ang agad na nag-react at nagkorek sa ipinost ng aktres dahil ang naturang pila pala ay para sa isang movie production ng Ateneo de Davao Teatro Ateneo.

Dahil dito ay muling kinuyog ng bashers si Kim at pinayuhang mas maging maingat sa pagpo-post sa social media para hindi siya lumabas na kahiya-hiya.

Feeling naman namin, baka mayroon lang nagbigay ng maling litrato kay Kim at yun ang nai-post niya sa IG.
Kamakailan lang ay iniyakan ni Kim ang isyung binili raw niya ang kanyang Best Actress trophy mula sa Star Awards for TV para sa kanyang drama series na Ikaw Lamang.

Hay, ganyan talaga di ba kapatid na Ervin? Kapag sinuwerte ka, sunod-sunod ang dating, pero kapag tinamaan naman ng malas parang wala nang bukas pa.

Lesson learned, i-double check muna ang ipo-post sa mga social networking sites para hindi maging katawa-tawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending