Strawberry Lane nakaka-inspire ng mga kabataan | Bandera

Strawberry Lane nakaka-inspire ng mga kabataan

Ervin Santiago |December 01,2014
facebook
share this

Strawberry Lane nakaka-inspire ng mga kabataan

Ervin Santiago - December 01, 2014 - 03:00 AM

jake vargas

IN fairness, maraming nai-inspire na mga kabataan ang GMA Telebabad series na Strawberry Lane na pinagbibidahan nina Bea Binene at Jake Vargas.

Nababasa namin ang ilang komento ng viewers tungkol sa nasabing serye at nagkakaisa sila sa pagsasabing napakaraming values ang naibabahagi nito sa mga manonood, lalo na sa mga kabataang nasa mga bahay ampunan kung saan nga nagsimula ang kuwento ng mga bidang bagets sa kuwento.

Sabi nga nina Bea at Jake, napakaswerte nila dahil bukod sa nag-eenjoy sila sa paggawa ng Strawberry Lane ay nakaka-inspire pa sila ng mga tao. Sana raw ay tumagal pa ang kanilang programa para mas marami pa silang mapasaya.

At siyempre kung may good news, meron ding nega, lalo na ang mga bashers ng programa. Pero sabi nga ni Bea, dedma na lang sila sa mga naninira sa kanilang serye, ang mahalaga, mas marami pa ring nakaka-appreciate sa kanilang mga ginagawa.

At sa pagpapatuloy ng kuwento ng Strawberry Lane, narito ang kailangan n’yong abangan ngayong gabi: Masama ang kutob ni Lupe kay Amelia.  Pakiramdam niya ay may masamang balak ito sa kanila.

Jack tells her na huwag husgahan si Amelia, pare-pareho lang naman daw sila nitong inaruga nina Elaine.  Gulat si Lupe nang mag-alok ng tulong si Amelia at kahit na utusan sila ni Lavinia na pagbentahin ng cookies suot ang bear costumes ay tinulungan siya ni Amelia.

Pero matindi ang pagti-trip ni Lavinia kay Lupe dahil ipinahiya niya ito habang suot ang bear costume hanggang sa masadlak sa putikan si Lupe.  Tutulungan siya ni George pero masama ng loob ni Lupe, kasalanan daw ito lahat ni George.

Samantala, awkward naman ang mag-pare na sina Jack at Paulino habang nasa photo shoot sila. Muntik-muntikanan nang masabi ni Paulino ang nararamdaman kay Jack pero lagi itong nauudlot.

Alala naman si Clarissa dahil lumalala na ang lagay ng inang si Myrna.  Aabot pa sa puntong magwala ito sa kalye at manutok ng kutsilyo.  Sa pag-awat sa kanya ni Clarissa ay saka lang babalik ang katinuan nito sa isip.

Palagay naman ang loob ni Elaine kay Amelia, para sa kanya, napunan ng dalaga ang pangungulila niya kay Dorina. Pero lingid sa kaalaman niya, may kakuntsaba si Amelia sa pagpasok niya sa mansion nina Elaine:  si Christopher!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending