Ai Ai lalayas na sa ABS dahil kay Kris...lilipat na sa GMA 7 | Bandera

Ai Ai lalayas na sa ABS dahil kay Kris…lilipat na sa GMA 7

Cristy Fermin |November 30,2014
facebook
share this

Ai Ai lalayas na sa ABS dahil kay Kris…lilipat na sa GMA 7

Cristy Fermin - November 30, 2014 - 03:00 AM

ai ai delas alas
Nakarating sa amin ang impormasyon na may bahid ng katotohanan ang mga kuwentong lumalabas na lilipat na sa GMA 7 ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.

Kung magkakatuluyan ang negosasyon ay bagay na bagay ang titulo ng pelikulang magiging huli na niya sa Star Cinema, “Past Tense,” dahil ang magiging bakuran na niya ay ang kalaban nitong istasyon.

Ayon sa aming source ay meron nang namamagitang negosasyon, nagkakapalitan na ng mga suhestiyon ang magkabilang panig, ‘yun na lang ang hinihintay ni Ai Ai bago niya masagot nang diretso ang mga nagtatanong kung totoo bang magiging Kapuso na siya.

At siyempre, ang isa sa mga dahilang lumulutang kung bakit kailangan na niyang iwanan ang network na matagal niyang naging tahanan ay si Kris Aquino, matindi ang hindi pagkakaintindihan ngayon ng mga dati’y nagtatawagan pang BFF.

Tama lang naman ang saloobin ni Ai Ai, sinusunod lang niya ang batas ng buhay na kung hindi ka na maligaya, lumabas ka na. Kundi ka na kumportableng magtrabaho sa isang kumpanya, maghanap ka na ng bagong kapaligiran, para masaya kang nagtatrabaho.

Tumpak!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending