Aiko: Nasira ang mukha ko, pati buhay ko! | Bandera

Aiko: Nasira ang mukha ko, pati buhay ko!

Julie Bonifacio |November 29,2014
facebook
share this

Aiko: Nasira ang mukha ko, pati buhay ko!

Julie Bonifacio - November 29, 2014 - 03:00 AM

aiko melendez
LOVE, love, love and peace ang mensahe ni Aiko Melendez para sa buntis na si Ara Mina ngayong Pasko. Ayaw magbigay ng comment ni Aiko sa isyu sa kanila ni Ara na nakaalitan nga niya noon dahil nga sa kundisyon nito ngayon.

And at the same time, ex-boyfriend pa ni Aiko ang ama ng batang dinadala ni Ara na si Mayor Patrick Meneses. “Wala akong reaksyon. Kasi alam mo kahit ano, kahit maging napaka-sincere  ang sagot ko, meron pa rin at meron pa ring ibang tao na feeling , e, ‘Ay, just because may show siya,’ I’d rather, you know, keep quiet.

And you know, I think the best gift that I can give them is my prayers,” pahayag ni Aiko noong makausap namin sa presscon ng drama series na Give Love on Christmas Presents Gift Giver na magsisimula na sa Lunes sa ABS-CBN kapalit ng Be Careful With My Heart.

Pero diretsong sinabi ni Aiko na hindi pa sila nagka-kabati ni Ara. Isang beses daw ay muntik na silang magkasalubong pero umiwas na lang daw si Aiko, “Siguro mas maganda ’yung hindi niya alam na ‘yun pala, ipinagdadasal ko sila,” nakangiting sabi ni Aiko.

Ayaw ding magsabi ni Aiko na napatawad na niya si Ara, “Kasi kapag sinabi ko napatawad. Alam ko na ‘yung susunod, e. Biglang sasabihin may atraso siya sa akin.

Kaya kapag nakarating na naman sa kanya baka ma-feel bad (siya). Syempre, emotional ang mga buntis. So, I’d rather keep quiet na lang para to give her that sanity during her pregnancy ‘di ba?”

Malaki na talaga ang ipinagbago ni Aiko ngayon simula nang ma-Born Again siya, “I’ve gone through so many trials this year. In fact, hindi naman lingid sa kaalaman ng iba, na-distort ang mukha ko, ‘di ba? Nagkaroon ng problema sa weight ko.

Tapos, maraming tests and trials this year, emotionally financially, spiritually. That’s why I got baptized as a Christian because ni-lift ko na lahat, ‘yung pag-cure ng mukha ko,” ani Aiko.

Ipinagdasal daw niya kay Lord na ayusin ang mukha at buhay niya this year. In return, she gives her life to the Lord as a good Christian. Ang ayos-ayos daw ng buhay niya nga-yon na ultimo sa mga ex niya na sina Jomari Yllana at Martin Jickain ay maganda ang kanyang relasyon.

“Like itong Gift Giver, sinabi ko kay Jom. Sabi ko, ‘Dada (pet name niya kay Jomari) may gagawin akong soap. Sabi niya, ‘Ay, finally. Mabuti naman.’ Lagi naman, e. Kapag may magandang nangyayari sa akin, si Jom ang number one ko.

So, he’d always remind na, ‘O, Mama, masaya ako lalo na ‘pag drama.’ Kasi drama naman ang talagang forte ko, ‘di ba? So. Kapag ganoon talaga, nae-exciite ‘yan. Kaya sabi nihya, manonood siya talaga,” lahad ni Aiko.

She plays the role of Rose na panganay na anak ni Eddie Garcia sa Christmas mini-series na ito. Siya ang pinamakamasipag na anak na akala niya hindi naa-appreciate ni Eddie ang sacrifices niya.

“Sobrang saya when I accepted this project kasi working with Tito Eddie, although I’ve worked with him before, as my rapist. Ha-hahahaha! Pero now as my dad. Syempre, it’s always a joy to work with somebody who is so well-respected actor,” sabi niya.

Sa Dec. 16, magkakaroon ng birthday concert si Aiko na pinamagatang “Aiko Na” sa The Crowd Madison. She’ll turn 39 on that day. Sina Richard Gomez at Jomari ang kanyang guests.

“Iri-reveal ko na may talent pala ako sa pagkanta. Ha-hahaha! So, sabi ko nga kay Jom, ‘Dada sana ‘pag 40 ko magkaroon pa ako ng isang anak.’

Ayokong magkaanak sa iba na naman ‘di ba? Gusto ko, kung sakaling 40 years old, single ka at single ako, bakit hindi natin subukan na tayo na lang? So, syempre, sabi niya, tinawanan na naman ako ng lolo mo at nag-wet na naman ng lips niya ‘di ba?

Na very Jomari Yllana acting. Sabi ko, huwag ka namang kiligin diyan,” kwento pa sa amin ni Aiko. Pero hindi pa raw sila nagkabalikan ni Jomari. At inamin ni Aiko na lumalabas-labas na rin siya ngayon, pero still with a group.

“Yeah, kasi sometimes you need that spice, and you need to go out and meet people. Kasi there was a time noong, itong year nga na ‘to I got depressed, I don’t go out,” aniya.

Bukod kay Jomari, okey din daw sila ni Martin. Pero mas close siya sa wife ni Martin na si Maggie, “I love and respect her so much. Sobrang close kami ni Maggie, yeah right, parang unconventional na parang how in the world that I’ll be okey and friends-friends with the wife of my ex?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ka-text ko. Every time na meron akong project and secrets, Maggie knows that. I love and adore her. At lahat ‘yan pinagdasal ko,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending