Pacman nag-sorry sa kapitbahay matapos ireklamo ang mga bisita | Bandera

Pacman nag-sorry sa kapitbahay matapos ireklamo ang mga bisita

Ervin Santiago |November 29,2014
facebook
share this

Pacman nag-sorry sa kapitbahay matapos ireklamo ang mga bisita

Ervin Santiago - November 29, 2014 - 03:00 AM

manny pacquiao
Kaya pala ipinagbibili na ni Manny Pacquiao ang isa sa mga mansion niya rito sa Manila ay dahil sa natatanggap nilang reklamo mula sa mga kapitbahay.

Ayon sa nabasa naming report, lagi na lang daw kasing maraming bisita roon si Pacman na mahihirap, partikular daw na sinita ng kanyang mga kapitbahay doon ang hindi maayos na mga itsura ng kanyang mga bisita na  nakasuot lang ng  tsinelas.

Sabi pa ni Pacman kung meron daw gustong bumili ng nasabing property ay willing siyang ibenta ito para makabili ng mas malaking lugar kung saan pwede niyang i-accommodate ang mga “bisita” niya na karamihan ay nanghihingi ng tulong pinansiyal.

“If there’s somebody who is willing to buy, I’m going to sell it,” sabi ni Pacman sa isang interview. Nabili raw ng Pambansang Kamao ang nasabing property sa halagang P400 million noong 2011.

Dagdag pang pahayag ni Pacman, kahit daw mayaman na siya ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago, simpleng tao pa rin daw siya hanggang ngayon. Nag-sorry na rin daw siya sa kanyang mga kapitbahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending