Makakabayad pa ba sa mga utang (2) | Bandera

Makakabayad pa ba sa mga utang (2)

Joseph Greenfield |November 29,2014
facebook
share this

Makakabayad pa ba sa mga utang (2)

Joseph Greenfield - November 29, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jhonna ng San Agustin, Digos,
Davao del Sur
Problema:
1.      Sa kasalukyan po ay unti-unti na kaming nababaon sa mga pagkakautang, maliit lang kasi ang suweldo ng aking mister bilang guwardya, habang ako naman ay naglalabada lang. Apat po ang anak namin na puro nag-aaral.
2.      Gusto ko pong mabago ang takbo ng aming buhay at makabayad sa mga pagkakautang para wala ng mga naniningil sa akin tuwing umaga. May pag-asa kaya kaming makabayad sa mga utang? Sana bigyan nyo rin  ako ng pampasuwerteng numero upang mabayaran na namin ang aming mga utang at maging masarap naman ang buhay ng pamilya namin kahit manlang sa paskong darating. January 8, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Jhonna ng
 Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng isang kaibigan o kamag-anak na isinilang sa zodiac sign na Virgo, makapagnenegosyo ka at ang nasabing negosyo ang magiging simula upang maka-ahon kayo sa kahirapan at unti-unti ng makabayad sa mga pagkakautang.
Numerology:
Ang birth date mo naming 8 ay nagsasabing mapalad kayo sa numerong may sumatotal na 5 at 7, tulad ng 14, 23, 32, 41, 16, 25, 34, 43 at iba pang mga kauri nito.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy naman ang suwerte sa panahong may negosyo na kayo, laging gumamit ng kulay na dilaw at pula. Ang nasabing kulay ang magbibigay ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran
Huling payo at paalala:
Jhonna ayon sa iyong kapalaran, sa darating na Enero 2015 biglang magbabago ang buhay nyo sa pagdating ng isang kamag-anak o kaya’y kaibigan na galing abroad. Ang nasabing nilalang na may zodiac sign na Virgo ang magpapautang sa inyo ng puhunan, upang makapagnegosyo at sa nasabing negosyo na may kaugnayan sa grocery, mabilis na uunlad ang inyong buhay, makaka-ahon sa kahirapan, hanggang sa tuluyan na ring makabayad sa mga pagkakautang at sa bandang huli tulad ng nasabi na, uunlad nan g uunlad hanggang sa tuloy-tuloy ng umasenso ang buhay ng inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending