Horoscope, November 28, 2014 | Bandera

Horoscope, November 28, 2014

Madam Sophia |November 28,2014
facebook
share this

Horoscope, November 28, 2014

Madam Sophia - November 28, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Huwag makipaglandian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Libra. Sa pinansiyal, wag ubusin ang pera sa pagbo-blow-out, magtabi ng salapi para sa nalalapit na kapaskuhan.  Mapalad ang 4, 18, 28, 37, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Yellow at black ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi mabuti ang sobrang galante. Upang masolusyunan, ang pagiging bulaksak sa pera,  maghanap ka ng kasuyong kuripot. Sa ganyang paraan, mas madali kayong yayaman. Mapalad ang 3, 9, 12, 30, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasuyong Capricorn, hindi ka uunlad at hindi ka rin liligaya kung patuloy na mag-iisa. Hanggat may panahon pa habulin mo siya. Mapalad ang 6, 17, 24, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahme-Neva-Om.”

Gemini – (May 21-June 21)—Hectic na activities ang nagbibigay ng suwerte sa mga Gemini. Kumilos ka nang kumilos at mag-exercise ng regular tuwing umaga. Kapag kilos ka nang kilos,  mas madaling lalago ang kabuhayan, at sa pag-ibig mas sisigla at sasarap ang romansa. Mapalad ang 5, 9, 14, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Gray at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Mag-ingat sa mga kaibigang nagbabait-baitan, mayroon na namang mangungutang. Tama ka: “Bakit mo sila pauutangin kung alam mong hindi naman sila marunong mabayad?” Sa pag-ibig, may suwerteng hatid ang kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 19, 27, 33, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Iwasang makibarkada sa mga taong walang pera, sa bandang huli ay matutulad ka rin sa kanila. Piliin ang mga kaibigang mayayaman upang sa bandang huli ay yumaman ka rin. Sa pag-ibig, iwasan ang mga pangit sa mga taong magaganda at susuwertehin ka. Mapalad ang 4, 19, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Aum-Venit.” Magenta at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Araw-araw gumising nang maaga, mag-ehersisyo  at magdasal. Sa ganyang paraan ay mas madali kang uuunlad at liligaya. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Silver at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang sama ng loob. Patawarin ang kasuyong nagkasala at magsimula kayong muli. Sa pinansyal, tipirin ang pera para may maibigay sa kapamilyang nangangailangan. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Pink at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Ngayon pa lang paghandaan na ang Pasko. Sa pinansyal, iwasang magtapon ng pera sa mga walang kabuluhang bagay. Tandaan na sa Holiday Season na ito ay higit na magpapaligaya ang pamilya kung marami kayong pera. Mapalad ang 6, 16, 22, 32, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Brahma-Aum-Namah.” Violet at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Laging magsuot ng kulay na  pula. Sa ganyang paraan, mas madali mong maaakit ang maraming pera. Sa pag-ibig dahil sa kulay na pula, aani  ka ng masarap na romansa. Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi ka yayaman sa sariling bayang sinilangan. Upang umunlad at lumigaya maghanap ka ng pagkakakitaan sa malayong lugar. Mapalad ang 1, 13, 19, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag isiping matanda ka na! May asim ka pa rin! Bago matapos ang Nobyembre, darating ang isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Sa pinansyal, tama ang iniisip na pagtitipid, pero bakit hindi mo magawa? Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Orange at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Mag-display ng aquarium sa entrada ng bahay. Lagyan ng walong isdang pula at isang isdang itim, puwede rin na walong isdang itim at isang isdang pula. Kapag nagawa mo ‘yan, susuwertehin ka na sa pag-ibig at sa materyal na bagay. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Red at black ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending